State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines
[To be delivered live at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 26, 2021]
Speaker Alan Peter Cayetano, joooke. Pinatalsik ka nga pala last year. Speaker Lord Allan Velasco;
Senate President Vicente Sotto III, O, kalabanin mo pala ako next year. 'Di ka man manalo. Let's see.
Vice President Leni Robredo, nandito ba s'ya? Wala? Okay lang, 'di ko talaga s'ya pina-invite. Baka busy sa relief operation. 'Tapos siraan na naman niya ako sa tao. Mag-trend na naman sa Twitter, #NasaanAngPangulo 'tapos sabihin lagi akong tulog at tamad. 'Tang i*a, fake news. Hindi ako laging tulog!
Chief Justice Alexander G. Gesmundo; beloved members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; the delegation from Beijing; fellow workers in government, mga minamahal kong kababayan…
Ito na ang aking huling State of the Nation Address. (Applause)
Natuwa kayo? Mga tarantado. (Canned laughter)
Sa mga kalaban ko, 'wag kayong pakasigurado. Maraming puwedeng mangyari 'pag nanalo akong bise. (Applause)
Bilisan ko na lang ang SONA na 'to. Maulan ngayon, masarap matulog.
Sabi ko sa PCOO, kung ano na lang maalala ko, 'yun ang sabihin ko. Mas maintindihan pa ako ng tao. 'Tang i*a, magbigay man ako ng datos at numero, 'di naman maintindihan ng tao, walang kwenta 'yan. Alisin n'yo na 'yang teleprompter.
Unang-una, pasalamat tayo dahil walang nasaktan sa lindol noong Sabado ng madaling araw. Napakalakas daw sabi ng asawa ko. Hindi ko naman naramdaman. Siyempre, tulog ako.
Marami na namang binahang lugar dahil sa matinding pag-ulan. May napanood ako sa TV, isang buong subdibisyon sa napakataas na lugar, inabot pa rin ng baha. Ang daming bahay na inanod pati kotse, jeep, kambing, kalabaw, kawawa. Parang isang masamang panaginip. 'Tapos biglang may sumampal sa akin. Sabi niya, "Daddy, gising ka na. Hapon na." Putang i*a, panaginip nga pala. Nakatulog na naman ako. (Canned laughter)
Sa good news naman tayo: Parami na nang parami ang mga kababayan nating nababakunahan. Bago matapos ang aking unang termino, I mean, ang aking termino, gagawin nating available para sa lahat ang bakuna - kahit tagasaan ka pa! Tingnan n'yo si Gilbert Teodoro, taga-Tarlac s'ya, pero sa Davao nagpabakuna. (Applause)
Alam ko kung gaano kahirap magkasakit. That is why isa sa priorities ng aking gobyerno ang health ng mga Filipino. Pero may challenge man ako sa inyo. Tulungan n'yo ring maging malusog at malakas ang katawan ninyo. Mag-exercise kayo. 'Yung anak kong si Sara, sinabihan kong tumakbo. Ayun, tatakbo nga sa 2022. (Applause)
Sabi ng mga gago, wala raw akong ginawa kundi umutang. Wala na raw bang pera ang gobyerno kaya utang na lang tayo nang utang? That's not true. Marami tayong pera. 'Kita n'yo ba ang nangyari sa dolomite beach sa Manila Bay? Nagtatapon tayo ng pera. Ganyan kayaman ang aking gobyerno! (Applause)
Nitong mga nakaraang buwan, binatikos ang DepEd dahil sa errors sa mga textbooks. Ako mismo, may nabasang bastos at bulgar sa isang module. Kantot ba 'yon? Sa Bisaya, iyot. 'Wag kayong mag-alala, ipinahanap ko agad ang sumulat ng bastos na module. Tinanggal na siya sa trabaho. (Applause) Siya na ngayon ang speechwriter ko. (Applause)
Maraming nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Totoo 'yan. But we are doing everything to provide livelihood for jobless Filipinos. Palakpakan natin ang PCOO sa pag-hire ng 375 contractual social media specialists na ginastusan ng ekstrang 71 million pesos. (Applause)
May isa pa akong good news: iniutos ko sa DTI na siguraduhing mababa ang presyo ng mga bilihin. Ayaw kong mahirapan ang mga tao. To be fair, mabilis ang aksyon sila. Buwan-buwan, ang prices, nagmumura! Thank you Shopee at Lazada! (Applause)
Pati sa mga negosyo, we are very supportive. Palakpakan natin ang napakalaking kita ng gumagawa ng face shield! (Applause)
Buhay na buhay ang ating ekonomiya. Kitang-kita naman ang ebidensya: matindi na uli ang traffic sa EDSA. (Applause)
Hindi na mabilang ang infrastructure projects na natapos sa ilalim ng aking Build, Build, Build program. Sa mga nagtatanong kung anu-ano 'yan, no need to visit the DPWH website. Punta na lang kayo sa Facebook page ni Sec. Mark Villar. Nandun lahat. (Applause) Grab, Grab, Grab credit ka raw Mark. Hehe Joke lang. (Canned laughter)
Palakpakan din natin si Lorraine Badoy-Partosa of the NTF-ELCAC. (Applause) Masipag 'yang si Lorraine mag-post. Tag 'yan nang tag. Kung hindi kayo Komunista, bakit kayo magalit sa kanya? Sayang, wala dito si Lorraine ngayon. Nasa Ilocos siya sa Philippine Volleyball League bubble. She is confirming an intelligence report na laging may rally sa volleyball games. (Silence) O, ba't di kayo natawa? Volleyball joke 'yun. (Applause)
Last January, a Pulse Asia survey showed Secretary Duque and Harry Roque got the highest approval ratings among the members of my Cabinet. Aaminin ko, nag-worry ako noon. Inisip ko, "May COVID19 ba ang mga tinanong sa survey?" Bakit wala yata silang taste? (Canned laughter)
Proud ako sa consistency ng aking gobyerno. Last year, naka-lock down tayo nang mag-SONA ako. Ngayon, naka-lock down pa rin tayo. (Applause)
Speaking of consistency, I would like to commend Congressmen Mike Defensor and Rodante Marcoleta. Matapos mapatay ang dragon ng Mother Ignacia, nagpatuloy ang inyong kapuri-puring gawain. Pati bulate, pinuksa n'yo rin. Salamat ivermectin! (Applause)
In 2016, I promised you (that) change was coming. Nangyayari pa rin 'yan. Tingnan n'yo 'yung boksingero sa Senado. Limang taon ko 'yang kasa-kasama 'tapos ngayon tinitira ako. Sana matalo ka sa next fight mo. Gago! (Canned laughter) Hindi joke 'yan. Seryoso 'yan.
Ipakukulong daw ako ng 'tang i*ang ICC 'yan. Eh di ipakulong n'yo. I AM NOT AFRAID, mga ugok! Ginoogle ko na ang detention center n'yo. Tang i*a, ang ganda. Sige, ipakulong n'yo ako. Magdala pa ako ng kulambo d'yan, mga ugok. (Applause)
Mga kababayan, malayo-layo na rin ang ating narating. Papayagan n'yo bang mahinto ang biyahe natin patungo sa mas maunlad na Pilipinas?
(Audience: Hindi!)
Tatapatin ko na kayo. Walang ibang kayang magpatuloy ng nasimulan ni Duterte kundi isa ring Duterte. (Applause) Si Pulong 'yon. (Silence) Siyempre, joke.
Pangako ko sa inyo, mas matinding variant itong anak ko. (Applause)
Kung sa tingin n'yo ay wala akong masyadong ginagawa bilang presidente, bigyan n'yo naman ako ng chance maging bise, I mean, maging busy. (Applause)
Change has come. Change must continue.
Mga Ka-DDS… sama-sama tayo sa 2022.
Maraming salamat at Mabuhay ang sambayanang Filipino. Xie xie!
No comments:
Post a Comment