Iriga City — Gaya ng ibang mga LGU's sa bansa humihingi rin ng dagdag na alokasyon ng bakuna an Lungsod ng Iriga upang tuloy-tuloy na ang vaccination roll out sa priority group.

Ito ang sinabi ni City Councilor Sonny Magistrado, matapos na hingin sa DOH ang dagdag na alokasyon ng bakuna matapos na itaas sa General Community Quarantine an buong Camarines Sur dahil na rin sa tumataas na kaso.

Ayon kay Magistrado, marami na sa mga Irigueño ang nais na magpabakuna subalit dahil sa kakulangan ng alokasyon, di nila ito maturukan ng bakuna.

Inamin ng konsejal na sa nagdaang mga buwan kulang pa at ang iba ay nag-aatubili sa pagpapabakuna subalit ngayon, marami na ang walk-in mula sa senior citizen at mga essential workers.

Kahapon sa regular na session ng Sangguniang Panglungsod, sinang-ayunan ito ng mga kasamahan na humingi ng dagdag na alokasyon ng bakuna mula sa DOH-Bicol.
(OIC Melvin F. Barayoga)