Ang proyekto ang naging paraan ng mga guro at magulang ng La Purisima National High School para maipagpag ang stress na idinudulot sa kanila ng distance learning at #COVID19 pandemic.

Atraksiyon sa mini park ng student government ang makukulay na paso na gawa sa recycled plastic bottles.

May giant chess at damath board naman sa mathematics park habang ginawang reading park ang hagdan ng isang gusali na may libreng kendi para sa mga magbabasa.

Ayon sa principal na si Lilibeth Fajardo-Moralde, handa na ang paaralan sa pagbabalik ng face-to-face classes kaya tututukan na nila sa natitirang mga linggo ng Brigada Eskwela ang pagbilang at pagbasa ng mga estudyante.

Nakalatag na rin ang health and safety protocols ng paaralan, kabilang dito ang paglalagay ng alcohol sa mga silid at pagtatalaga ng hand washing station.

(Source: Bicol News)