Noong nakaraang Myerkules nagpabakuna ako.

Ayoko sana magpabakuna dahil malakas ang aking immune system at matagal nang hindi ako nagkakasakit, dahil healthy ang kinakain ko, nag-eexercise ako at....naliligo ako sa tubig na malamig.

Pero dito sa bansang ito halos nagiging mandatory ang magpabakuna, kaya, gusto ko man o ayaw, hindi ko ito naiwasan.

Ang pinili kong bakuna ay ang Johnson & Johnson dahil isang shot na lang (sa dami ng ginagawa ko wala akong panahon pars sa isa pang shot....maliban ang pinag-uusapan ay ang isang shot ng pulang alak).

Sinabi daw ng doktora na tiyak na mararanasan ko ang sintomas, gaya ng lagnat at sakit ng ulo.

Ano kaya ang nangyari?

Mayroon bang side-effect? Naranasan ko ba ang mga iyon?

Ang sagot ay: mayroon (mayroon, mayroon sinta, buko ng papaya....."leron" pala iyon, hindi mayroon...joke lang)

Apat na Side-effect ng Bakuna

Ang naranasan ko ay apat na side-effect

Hindi ako nakapasok sa trabaho

Kinailangan kong kumuha ng day off sa trabaho para makapagpabakuna at pinalampas ko isang importanteng customer at, dahil dito, hindi ako kumita noong araw na iyon...

Binigyan ako ng multa

Ikot nang ikot ako sa paligid ng medical center kung saan nagpabakuna ako at wala kong nakita parking, kaya nagdoble park ako at....surprise surprise, may buwaya na nagmulta sa akin

Gumastos ako

Libre ang bakuna dito sa Italya pero malayo ang pinuntahan ko kaya medyo gumastos ako dahil mahal dito ang gasolina...

Uminit ang ulo ng asawa ko

Gusto niya sana na sabay kami magpabakuna pero nauna ako dahil takot ako na magkakaproblema ako sa trabaho...at nagalit siya

Maliban sa mga epektong iyon mukhang wala ibang epekto....mukha....sana wala....sana....


This free site is ad-supported. Learn more