Eduardo Maresca posted: " Masaya ang mga Italyano, masaya sila dahil ang national football team ng Italya ay nanalo ng Europe Cup ng soccer (o football...ang totoong football, hindi ang football ng mga Amerikano, dahil puro paa ang ginagamit sa soccer, di-katulad ng mga Amerikano"
Respond to this post by replying above this line
New post on ITALIAN HUSBAND OF A FILIPINA Italyanong Asawa ng Isang Pilipina
Masaya ang mga Italyano, masaya sila dahil ang national football team ng Italya ay nanalo ng Europe Cup ng soccer (o football...ang totoong football, hindi ang football ng mga Amerikano, dahil puro paa ang ginagamit sa soccer, di-katulad ng mga Amerikano na paa at kamay ang gumagamit sa kanilang uri ng football....mabuti at sa Pilipinas puro basketball (at "inuman"ball) at sabong ang nilalaro ng mga tao....bukod sa kaunting sugal-sugal).
Sa akin parang tanga ang mga tao dito.
Parang tanga sila dahil sinasabi nila: "nanalo TAYO".
Ang alam ko ay na SILA, ibig sabihin ang mga manlalaro (na binabayaran ng malaking pera), ang nanalo, hindi TAYO (o kami mga Italyano), kaya paano nangyari na TAYO (o KAMI mga Italyano) ang nanalo kung 11 manlalaro lang ang naglaro?
Kasali sa mga nagsasabi "TAYO ang nanalo" maraming walang trabaho, may trabahong maliit ang sweldo o ibang uri ng loser sa buhay....pero feeling nila "nanalo" sila.
Nakita ko sa aking social feed ang makabuluhang litratong ito at ang sinasabi ng caption ay: "baka hindi kailanman magkakaroon ako ng old age pension...pero nag-score ang team ko"....ang tanga!
Unsubscribe to no longer receive posts from ITALIAN HUSBAND OF A FILIPINA Italyanong Asawa ng Isang Pilipina. Change your email settings at Manage Subscriptions.
No comments:
Post a Comment