Inanunsyo na ng kalihim ng DOTr na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang papalapit na pagbubukas ng inaabangang "most scenic gateway"- Bicol International Airport sa Daraga, Albay, kaninang umaga, Hulyo 30, 2021 sa ginanap na inspeksyon ng naturang paliparan na dinaluhan nina Albay Governor Al Francis Bichara, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco at iba pang personalidad.

Ayon sa kalihim, inaasahan na sa Oktubre 7, 2021 magiging technically operational na ang Bicol International Airport, habang sisikapin naman  itong maging night-rated sa 04 November 2021.

Sa ngayon, nasa 90% complete na ang konstruksyon ng Bicol International Airport.

(Source: Bicol News, photos courtesy of DOTr | Gov. Bichara)