Patuloy na pinapaalerto ng Police Regional Office (PRO) 13 ang mga pulis sa Caraga matapos matanggap ang ulat mula sa mamamayan na may planong mag-bahay bahay ang mga terroristang New People's Army (NPA) sa pag-atake sa mga PNP personnel.

Inatasan ni PBGEN. ROMEO M. CARAMAT, JR., ang kapulisan na maging mapagmatyag, mag-ingat at paigtingin ang intelligence monitoring at gathering laban sa NPA.

Matinding dagok ang inabot ng terroristang grupo sa sunod-sunod na pagsuko ng kanilang mga kasamahan at sa kanilang nabigong pangingikil sa mga negosyante kaya patuloy ang kanilang pag-atake para magkunwaring malakas pa ang kanilang puwersa. Dagdag pa rito, humihina na rin ang suporta ng masa sa kanila.

Lubhang nahihirapan at nagugutom na rin ang kanilang miyembro dulot mg pandemya na kinakaharap kaya napilitan silang bumaba ng bundok.

Base rin sa ulat, nahihirapan ang mga NPA na atakihin ang police stations kaya mga soft targets ang sentro ng opensiba gamit ang kanilang mga SPARU.

Lahat ng pulis, duty man o off duty, ay handang lumaban sapagkat hindi papayagan ng PNP na mangibabaw ang karahasan ng NPA sa lipunan.

Nakikiusap din ang PRO13 sa komunidad na ipagbigay alam ang presensya Ng mga kahina-hinalang tao sa pamayanan.

Lahat ng police units ay naghahanda na rin ng counter measures laban sa mga posibleng pag-atake at patuloy ang pakikipag-ugna­yan ng PNP sa AFP para sa ka­ragdagang pagbabantay sa mga vital installations.

Walang puwang ang terorismo sa bawat puso Ng Pilipino na nangangarap na mamuhay sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan.

Magkaisa tayo laban sa NPA! Supilin natin ang armadong pakikibaka!

(Source: Caraga Pulis Pio Facebook account)