Kinunsidera ng lokal na pamahalaan dito sa lungsod ng dabaw ang pagpapatupad ng tagging sa kabahayan ng mga pamilyang nabakunahan na kontra COVID-19. Ayon ng tagapagsalita ng COVID-19 Task Force Dr. Michelle Schlosser na ang nasabing hakbangin ay hindi bago sa lungsod dahil nauna nang ipinatupad ito sa Barangay Lasang na kung saan naging paraan ito upang mas madaling matukoy ang mga bakunado at di pa nababakunahang residente.
Kaniya ring pinuri ang nabanggit na hakbang ni Barangay Captain Allan Simo-ag dahil mabilisan na umanong matukoy ng mga barangay health workers ang mga residente na di pa bakunado na siyang target na tututukan ng mga ito para sa education campaign bilang paghikayat sa kanila na magpabakuna na.
Dagdag ni Dr. Schlosser, naniniwala umano ang Task Force na isa ito sa kanilang ikinunsiderang epektibong estratehiya upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga barangay at mas mainam kung gagayahin din ito ng iba pang barangay sa lungsod.
Makikipag-usap ang task force kay Vice Mayor Sebastian Duterte para magbalangkas ng ordinansa na mag-require sa lahat ng barangay na maglunsad ng kahalintulad na estratehiya sa mga pamilyang nabakunahan na kontra COVID-19.
(Source: Davao City Information Office)
No comments:
Post a Comment