Matapos ang halos dalawang buwan na paghihintay, mababakunahan narin sa wakas ang mahigit sa 1,700 na senior citizens (SC) sa bayan ng Buhi. Sa 1773 na "Johnson & Johnson's Janssen (J&J/Janssen) COVID-19 Vaccine" na alokasyong ibinigay sa Buhi, mahigit 1,500 dito ay ibibigay sa lahat ng senior citizens sa Poblacion at possibleng karatig na mga barangay.

Nagsimula na kahapon, ika-27 ng Hulyo, ang pagbabakuna na inaasahang matapos sa susunod na linggo.

Para sa mga iskedyul, nakipag-ugnayan na ang Municipal Health Office sa mga barangay na nabigyan ng prayoridad. Ang iba pang mga barangay ay inaasahang makatanggap narin ng bakuna sa mga susunod na linggo depende sa alokasyon na ibibigay sa Camarines Sur at bayan ng Buhi.

Maiging tinutukan ni Mayor Margie Moran-Aguinillo ang mga kaganapan tungkol sa bakuna at tuloy tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa MHO upang maging mas maayos at mapabilis ang pagbabakuna.

Samantala, pinagplanuhan din ng MHO at opisina ni Mayor Margie Moran-Aguinillo ang gagawing pagbabakuna ng Provincial Health Office sa Mountain Sector bukas, ika-29 ng Hulyo. Inaasahang 760 na bakuna ang ibibigay sa 12 na barangay.

Ang MHO ay umaasa na mabakunahan ang mahigit sa 7,200 na SC sa lalong madaling panahon. Ito ang kanilang paunang target bago simulan ang pagturok ng bakuna sa mga A3 at iba pang kategoryang itinala ng Department of Health.

Para sa mga iskedyul ng mga pagbakuna sa mga barangay sa Poblacion Proper, maaring dumulog sa inyong mga Barangay Health Workers.

(Source: LGU Buhi)