Iriga City - Sumailalim sa Training on Poultry Production and Management ng Department of Agriculture Bicol ang mga benipisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program sa Camarines Sur.
Umabot sa mahigit 10 Beneficiaries ng nasabing programa ang lumahok na pinangunahan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center at ng Cooperative Development Authority sa pakikipag-ugnayan ng Camarines Sur Provincial Government.
Layon nito na mabigyang sapat na kaalaman ang mga BP2 beneficiaries at mahikayat na pumasok sa agro-industrialization sa pamamagitan ng hands-on-training na ibibigay ng DA RFO V at ng DA-ATI RTC V.
Inilatag naman ng CDA ang mga serbisyo na kanilang ibinibigay sa bawat miyembro tulad ng libreng seminars, cooperative registration at educational trainings.
Nangako naman ang DA Bicol at Provincial LGU na magbibigay sila ng tulong sa mga benipisyaryo.
Matatandaan na isinulong sa Kongreso ng may akda na si 2nd District Rep. Lray Villafuerte ang House Bill 6970 o ang Balik Probinsya Act 2020 na layong mabigyan na pag-asa ang mga Balik Probinsya Beneficiaries para makapagsimula ng bagong buhay sa Camarines Sur.
(Source: Bicol News)
No comments:
Post a Comment