Camp BGen. Simeon A Ola, Legazpi City - Kulungan ang bagsak ng isang lalaking tinaguriang regional most wanted person para sa salang panggagahasa at tangkang pagpatay sa ikinasang entrapment operation nang pinagsamang kapulisan ng Bicol at kasundaluhan nitong ika-20 ng Agosto 2021, alas tres kinse ng hapon sa Brgy. San Pascual, Casiguran, Sorsogon.
Ang akusado ay kinilalang si Ruel Habitan Escolano, 60-anyos, may asawa at residente ng nabanggit ng lugar.
Si Escolano ay dinakip sa bisa ng mandamiento de aresto para sa kasong Rape sa ilalim ng criminal case number 2013-8734, mula sa RTC5, Branch 51, Sorsogon City walang nakatalagang piyansa. Ito ay bunsod sa reklamo ng noo'y 25 na biktima na itinago sa pangalang "Analyn".
Ayon sa biktima, Abril 13, 2013 ng mangyari ang insidente kung saan ala una ng hapon nang puwersahang pumasok ang akusado sa kanilang bahay at tahasang hinaplos at dinakma nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan at sinabi ang mga katagang "Puwde ko ikaw gamiton?". Kong saan ang biktima ay pilit na nagpumiglas ngunit dahil sa lakas ng akusado ay wala siyang nagawa kaya nagawa sa kanya ang panghahalay at pagkatapos nitong isakatuparan ang kanyang kawalanghiyaan ay tumakas na ito.
Ang akusadong is Escalano ay nahaharap rin sa kasong frustrated murder kung saan ito ay isa sa mga itinuturing na salarin sa likod nang pananaga kay Freddie Hilis noong Agosto 8, 1993 na naganap sa Brgy Sta. Cruz ng nasabing bayan. Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P20,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Ayon rin sa malalimang imbestigasyon, ang akusado ay isa ring miyembro ng Larangan 1 Komite ng Probinsya 3.
Ang akusado ay nasa kustodiya na ng Casiguran MPS para sa kaukulang disposisyon bago iharap sa hukuman.
Matapos ang ilang taong pagkukubli sa wakas ay nabigyan na rin ng katarungan ang salang nagawa ng akusado. Bagama't ito ay nasa pangangalaga na ng himpilan ng pulisya at titiyakin ng kapulisan na mahihain ang kaukulang kaparusahan para dito.
Ang PNP Bicol sa pamumuno ni PBGEN. JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ay nagkakaisa upang supilin ang kriminalidad at panatilihin ang kaayusan sa buong pamayanan sa tulong ng miyembro ng komunidad. At sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng sambayanan mas palalakasin rin nito ang ugnayan sa iba't ibang force multipliers nang mapabilis ang pagtunton sa kinaroronan ng mga wanted persons.
(Source: Kasurog Bicol News)
No comments:
Post a Comment