Iriga City - Umabot na sa 78, 865 ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine 1st dose sa Camarines Sur. 37 , 411 naman ang naturukan na ng 2nd dose o mga fully vaccinated na.
Sa datus na inilabas ng Department of Health (DOH)-Bicol, ang probinsya ang pinakamataas sa rehiyon at nagpapatuloy pa an vaccination rollout.
Gayunpaman, malayo pa ito sa 1.2M na residente na target na mabakunahan upang maabot ang herd immunity. Kaya naman sumulat na ang Provincial Government sa pangunguna ni Governor Migz Villafuerte kay DOH Sec. Francisco Duque III hiling ang dagdag na alokasyon ng bakuna. Direktang sinabi ng Gobernador na bigyang prayoridad ang probinsya.
Sa ngayon umabot na sa 5, 843 ang cumulative COVID-cases sa lalawigan 23 ang nadagdag kahapon. 273 ang aktibo habang 5, 294 ang naka rekober subalit 276 na ang nasawi.
(Source: Bicol News)
No comments:
Post a Comment