LUNGSOD QUEZON (PIA)-- Nasa 48% na ang overall progress rate ng konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 o ang Tutuban-Malolos na bahagi ng North-South Commuter Railway project.

Ayon sa ulat ng Department of Transportation, kapag ang proyektong ito ay tapos na magiging 35 minuto na lang ang tagal ng byahe mula Malolos, Bulacan hanggang Tutuban, Manila kumpara sa kasalukuyang isang oras at kalahati.

Ang 37.6-km commuter railway na ito na may sampong istasyon na inaasahang makakapag-serbisyo sa 300,000 na pasahero kada araw.

Ito ay idudugtong sa PNR Clark Phase 2 at PNR Calamba upang magkaroon ng iisang commuter railway ang mga mananakay mula sa NCR, Region III, at Region IV- A.

Ang PNR Phase 2 ay ang 53-km segment na may anim na istasyon, samantalang ang Calamba ay may ang 56-km segment na may 19 na istasyon na magdudugtong sa Tutuban-Malolos Alignment mula Clark New City, Clark International Airport hanggang Calamba. (MBP/PIA-IDPP/Dagdag impormasyon mula DOTr at BCDA)


This free site is ad-supported. Learn more