SAN JOSE, BULACAN (PIA) – Magkakasabay na inilunsad sa iba't ibang lalawigan nitong Huwebes, September 30, 2021, ang "Barangayanihan Caravan Towards National Recovery" sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Senator Christopher "Bong" Go, layunin ng "Barangayanihan" na ipaalam sa publiko ang mga programa ng pamahalaang Duterte at mahatiran ng tulong ng gobyerno ang mga mahihirap na mamamayan na naapektuhan ng pandemya.

 "Nandito po kami ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon na patuloy na nagseserbisyo upang makamit ang tunay na pagbabago sa ating komunidad lalo na pagdating sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran," sabi ni Go.

Ang outreach team ni Go ay namahagi ng pagkain, vitamins, face mask at face shields sa 50 mahihirap na indibidwal sa Catarman na dumalo sa seremonya.

Dagdag pa ni Go, ito ay isa lamang sa mga outreach programs na ginagawa ng Duterte Legacy Campaign Team sa pamamagitan ng Barangyanihan Caravan. 

Samantala, nagpasalamat ang senador sa mga organizer ng Duterte Legacy Campaign at kalahok mula sa iba't ibang lugar sa kanilang pagsisikap para maitaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga patakaran at programa ng administrasyong Duterte. (ARR/PIA-IDPD)


This free site is ad-supported. Learn more