Dito sa Italy ay kadalasang may 3 mga hakbang sa isang romantikong relasyon:
1 ang pakikipag-date
2 ang pagkakasintahan
3 ang pag-aasawa
At parami nang parami ang mga nag-aasawa sa edad ng 35-40 o mas late pa.
Batid ang maraming tao na dahil sa mahirap ang ekonomya at, dahil dito, pahirap nang pahirap ang pagsusuporta sa pamilya, mas mabuti ang paghihintay hanggang sa isa ay medyo matatag sa pinansyal at, higit sa lahat, sa emosyonal.
Kung minsan nagkakaroon ako ng impresyon na medyo malabo para sa ilan kabataang Pinoy kung ano talaga ang pakikipag-date taglay ang seryosong intensyon na magtayo ng isang matatag na relasyon at pamilya.
Ano kaya talaga ang pakikipag-date?
- Palagi kang lumalabas kasama ang isang di-kasekso. Pakikipag-date ba iyon?
- Ikaw at ang isang di-kasekso ay may gusto sa isa't isa. Ilang ulit sa maghapon kayo kung mag-text at magtawagan sa telepono. Pakikipag-date ba iyon?
- Tuwing nagsasama-sama kayong magkakaibigan, iyon at iyon ding di-kasekso ang lagi mong kapareha. Pakikipag-date ba iyon?
Dahil sa medyo malabo ang ideya ng ilan, maraming kabataang nagde-date ang nagkakahiwalay makalipas lang ang isa o dalawang linggo, kaya parang naghahanda sila sa pagdidiborsiyo sa halip na sa pag-aasawa.
Ang problema dito ay na ang isang tao ay hindi bato o punongkahoy: ang taong isinasangkot natin sa pakikipag-date ay laman, dugo at, higit sa lahat, damdamin na madaling sinasaktan.
Kung nakikipag-date ka nang wala namang intensiyong mag-asawa, para kang isang bata na matapos paglaruan ang isang bagay ay basta na lang ito iiwanan...ang problema ay na hindi "isang bagay" ang tao.
Para sa akin naging napakagandang desisyon ang paghihintay hanggang ako ay 36 bago ako ay kinasal: itinayo ko ang isang matibay na emosyonal na pundasyon, ang isang (medyo) matibay na kakayahang mag-badyet at marami pang kakayahang nakatulong sa akin na daigin ang mga hamon ng pag-aasawa.
Tamang tama ang sinabi ng isang sinaunang kasulatan na nagsasabi na mas mabuting maghintay ang isa hanggang sa "lampas na siya sa kasibulan ng kabataan" dahil sa sobrang wishy-washy ang mga damdamin at ang kakayahang gumawa ng matalinong desisyon kapag bata pa ang isa.
No comments:
Post a Comment