thephilippinesevent posted: " TASK FORCE KASANAG, SUMULAT SA DPWHMULA noon hanggang ngayon, patuloy ang Task Force Kasanag (TFK) International na pinamumunuan ni founder/president John Chiong sa paglaban sa korapsyon sa bansa.Malaki ang naitulong ng TFK para masigurong may ngip" http://thephilippinesevent.wordpress.com
MULA noon hanggang ngayon, patuloy ang Task Force Kasanag (TFK) International na pinamumunuan ni founder/president John Chiong sa paglaban sa korapsyon sa bansa.
Malaki ang naitulong ng TFK para masigurong may ngipin ang kampanya laban sa katiwalian ng mga opisyal na dahilan kung bakit napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga karatig bansa sa pag-ulad. Ang pondong dapat sana ay nakalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ay kinukulimbat ng mga kawatang opisyal sa gobyerno.
Ayon sa lider ng TFK na si Chiong, ang grupo ay nangunguna sa paglaban sa korapsyon, krimen, iligal na droga at terorismo. Nais ng TFK na magkaroon ng mabilis na pag-usig, pagsakdal at paghatol sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Matatandaan na noong Hunyo 14, 2022, nagpatawag ng press conference na ginanap sa Max's Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City ang grupo ni Chiong upang ipaalam sa pamahalaan ang mga maanomalyang transaksyon sa ilang mga ahensiya ng gobyerno.
Sa letter-complaint ng TFK International kay Ombudsman Samuel Martires noong Hunyo 8, 2022, pinaiimbestigahan ng grupo ang maanomalyang bilyong peso project nina ACT-CIS (Anti-Crime & Terrorism Community Involvement & Support)
Partylist representative Eric Go Yap, Sunwest Construction & Development Corporation and Social Amelioration & Genuine Intervention on Poverty (SAGIP) owner Congressman Elizaldy "Zaldy" Co ng AKO BICOL Partylist at ENGR. Edwin Gardiola ng CWS (Construction Workers Solidarity) Partylist sa posibleng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.
Pagkatapos ng presscon, noong Miyerkules, Hunyo 15, 2022 agad na sumulat ang Task Force Kasanag kay Bureau of Maintenance director Ernesto Gregorio, Jr. ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipaalam ang imbestigasyon ng Rockfall Protection System (tignan ang Number 1) larawan sa buong detalye ng sulat).
Isang linggo ang lumipas sumulat naman si TFK watchdog/paralegal John J. Chiong kay Bureau of Research and Standards OIC Director Reynaldo Faustino ng DPWH tungkol sa JJ3 and Earthyard Materials (tignan ang larawan number 2).
Malaking tulong ang ginagawa ng grupong TFK sa pangunguna ni Chiong dahil mas mabilis na malalaman ng pamahalaan ang mga katiwalian ng ilang ahensya ng gobyerno.
Inaasahan ni Chiong na malalaman agad ito ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na katatapos lamang ang inagorasyon noong Hunyo 30, 2022 na ginanap sa National Museum of the Philippines sa Maynila na nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment