DavaoPlus

Sunday, 24 July 2022

[New post] The Haunted: Chapter 9- Ate Linda

Site logo image IRIS posted: " "Saan ka pupunta?" pigil ni Rupert sa akin, hawak ang aking kaliwang braso. Napatingin ako sa pagkakahawak niya. Bumitiw siya sa akin. "Uuwi. May hinahabol akong schedule,"dumiretso ako papuntang front door. Naririnig ko ang yabag niya, sinusundan " The World of Second Chances

The Haunted: Chapter 9- Ate Linda

IRIS

Jul 24

"Saan ka pupunta?" pigil ni Rupert sa akin, hawak ang aking kaliwang braso.

Napatingin ako sa pagkakahawak niya. Bumitiw siya sa akin.

"Uuwi. May hinahabol akong schedule,"dumiretso ako papuntang front door. Naririnig ko ang yabag niya, sinusundan niya ako.

"Baka gusto mo munang mag-breakfast dito?" tanong niya. Hinawakan ko ang doorknob at pinaikot.

"Thank you na lang," sagot kong hindi pa din siya nililingon.

"Teka teka teka....!"

Pagtingin ko ay nasa harapan ko na siya. Alangang inis at alangang nakangiti ang ekspresyon ng mukha niya. Binaling ko sa iba ang paningin ko. Oo, nako-conscious ako.

"Ikaw itong bigla-biglang papasok sa property ko habang nananahimik ako. Tapos ikaw din itong may ganang umalis na ganun-ganun na lang? Sanay na sanay ka talagang umalis kapag nasusukol na, ano?"nakapamewang nyang sabi sa akin. Kung nagbibiro siya, may kurot ng katotohanan ang biro niya.

Fight or flight---ako daw ang tipo ng taong aalis na lang kung palagay kong hindi na ako kumportable sa sitwasyon. Hindi daw ako ang tipo na ipaglalaban ang sinuman o anuman dahil mas importante sa akin ang pansariling kaligayahan.

October 1994, hindi ko pa masabing opisyal ang relasyon namin ni Rupert. Hindi kami dumaan sa normal na ligawan. Simula nang makilala ko si Mama Tam, naging mas malapit kami ni Rupert dahil panay din akong naiimbitang kumain ng hapunan sa bahay nila. Siguro, dala ng matinding homesickness, naging paraan ko din ang pagiging malapit sa kanilang pamilya. Konserbatibo ang pamilya ni Rupert. Alam kong gusto nila ako pero hindi kami malayang nakakapagpahayag ng damdamin sa isa't-isa ni Rupert habang naroon kami sa malawak na sulok ng kanilang bahay. Bilang mga bata pa noon, dumating kami sa punto na naging hamon sa amin ang lihim na pagkikita noon. Nagpapaalam si Rupert na mag-o-overnight sa bahay ng pinakamatalik niyang kaibigan para sa isang group study pero sa college house uuwi ng bandang alas-dose ng gabi. Nagagawa lang namin ito tuwing Sabado ng gabi kung kailan umuuwi sa La Union si Jenny at habang nag-o-overnight naman sa ibang bahay sila Marie at Joy. Wala akong problema kay Clara dahil kahit minsan ay hindi niya ako nilaglag.

"Okay talaga dito sa kama ni Jenny,"sabi ni Rupert habang bahagyang inaalog pataas-baba ang kutson.

"Para lang tayong nagka-camping lagi, di ba?" sagot ko naman.

Inosenteng kabataan. Kung tutuusin ay wala naman kaming ginawang malisyoso, gusto lang namin ang presensya ng bawat isa.

"Isasara ko muna ang pinto."

"Ahhhhhhhh!"

Pareho kaming natigilan ni Rupert. Nasa harap namin si Ate Linda na nagulat sa aming dalawa. Nang mahimasmasan ay bumakas ang galit sa mukha niya.

"Rupert? Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ni Leona?" tanong niya. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit.

"Ate Linda, wala po kaming ginagawa ni Rupert...." ang mahina kong tugon.

"Leona! Masisisante ako sa trabaho sa pinagagagawa mo! Rupert, makakarating ito sa mama mo," may pagbabanta sa boses ni Ate Linda habang mabilis ang mga hakbang niya pababa.

"Ate Linda, please naman po, wag na ninyo kaming i-report ni Rupert," naiiyak kong sabi.

Mas mabilis ang pagbaba ni Rupert sa malapad na hagdan at saka humarang sa telepono.

"Manang Linda...please po. Yung bayad sa renta ni Leona, kahit hindi ninyo ibinigay kay Auntie Yumi, hindi naman niya kayo isinumbong at inako pa niya na sya ang naging cause of delay. So bakit hindi ninyo maibalik ang pabor sa amin ngayon?"

Natigilan si Ate Linda at saka humarap sa akin.

"Leona? Di ba pinag-usapan na natin yan? Nagkasakit ang anak ko kaya nagastos ko muna ang pera. Ibabalik ko ito sa katapusan," paniniyak ni Ate Linda.

Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sitahin siya. Tahimik lamang si Rupert na nakamasid sa palitan namin ng salita ni Ate Linda.

Ring... Ring....

Napatingin kami ni Ate Linda sa telepono. Nagmamadali siyang sinagot ito.

"Ma'am Yumi, buti po ay napatawag kayo sa dis-oras ng gabi na ito...." hindi na natapos ni Ate Linda ang salita at saka niya marahang ibinaba ang telepono at napaupo.

"Ate Linda? Bakit po? Ano ang nangyari?" tanong ko ng may pag-aalala.

Umiling lamang si Ate Linda at saka umiyak nang umiyak. Nagpaalam naman si Rupert na uuwi na. Napatingin ako sa hagdan at nakita kong nakaupo si Clara na malamang ay nabulabog dahil sa sigawan at komosyon.

Kinabukasan ay sinundo ako ng Papa ko para sa semestral break. Hindi ako iniimik ni Ate Linda maliban na lamang kung naroon ang Papa ko. Hinatid niya pa din ang maleta ko sa kotse at saka kumaway na may malungkot na mga mata. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari kung bakit nagkaganito ang pagsasama namin ni Ate Linda. Basta alam kong alam ni Clara na malaki ang kinalaman ko kung anuman ito dahil sa nahuli ako ni Ate Linda na nagpapasok ng lalaki sa kwarto---bagay na mariing pinagbabawal ni Auntie Yumi sa aming lahat.

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Unsubscribe to no longer receive posts from The World of Second Chances.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
http://irisdcrystal.com/2022/07/24/the-haunted-chapter-9-ate-linda/

Powered by WordPress.com
Download on the App Store Get it on Google Play
at July 24, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (2)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.