DavaoPlus

Wednesday, 31 August 2022

[New post] ‘Gusto ko damit…’ panawagan ng isang bata na humahaplos sa puso

Site logo image Joyce Sazon posted: ""Gusto ko damit…" isang munting kahilingan ng isang bata na isinilang na yata at doon na rin lumalaki sa lansangan malapit sa Manila Bay. Habang naglilibot sa may baybaying dagat sa Roxas Blvd. kasama ang aking mga malalaki nang anak at dalawang anak-a" Definitely Filipino News

'Gusto ko damit…' panawagan ng isang bata na humahaplos sa puso

Joyce Sazon

Aug 31

"Gusto ko damit…" isang munting kahilingan ng isang bata na isinilang na yata at doon na rin lumalaki sa lansangan malapit sa Manila Bay.

Habang naglilibot sa may baybaying dagat sa Roxas Blvd. kasama ang aking mga malalaki nang anak at dalawang anak-anakan, isa sa aming napagtuunan ng pansin ay ang isang maliit na bata na sumusunod pala sa amin.

Marahil ay nakita niya nang kami ay nagbalabal ng kumot sa magkapatid na nakaupo sa sidewalk sa Manila Bay area. Marahil ay nakita rin niya nang aming abutan ng tuwalya ang isang matandang babae na natutulog sa lilim ng isang puno.

Anu't anuman, eto na siya sa aming harapan.

 

Isang batang may karungisan at may suot na damit na halatang hindi angkop sa kanyang edad. Wala rin siyang pang-ibabang saplot at wala ring sapin sa paa. Malamang ay iyun na ring suot niya ang nagsisilbi niyang salawal at kumot panlaban sa malamig na simoy ng hangin sa may tabing-dapat..

"Ano'ng pangalan mo, Ineng?" tanong ko.

"John Mark," ang aking narinig.

"Ha, lalaki ka??? Akala ko babae ka!" natatawa kong pag-amin sa aking pagkakamali.

Naisip kong siguro, dahil homeless sila at walang pambayad sa manggugupit o pambili man lang ng gunting kung kaya't humaba na lang ang kanyang buhok at napagkakamalan tuloy na babae.

"Damit," ang sabi niya sa amin na nagpabalik ng aking isip sa kasalukuyan. Ang mukha niya'y kaawa-awa; tila nagmamakaawa na ang munti niyang tinig ay pakinggan.

"Naku, wala kaming dalang damit na para sa sukat mo eh, puro malalaki itong mga dala namin, pero bibigyan ka namin ng blanket ha, cute na blanket… para may panlaban ka sa lamig ng hangin dito," pang-aamo ko sa kanya habang mabilis na naghalungkat sa aming dalang malaking bag.

"Gusto ko damit…" sabi niyang muli habang ang kanyang mga mata ay tila may babagsak nang luha. Tinanggihan niya ang masiglang de-kolor na kumot panlamig na may 'Hello Kitty' pang design. Nataranta kami; hindi niya kasi ito nagustuhan.

"Ay, bibigyan na lang kita ng tuwalya, gusto mo ba 'to?" sabay labas ko ng malaking tuwalyang lila mula sa aming sisidlan.

"Gusto ko damit…," muli niyang sambit kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mata.

"Wala kaming dalang pambata ngayon eh, pero 'wag ka nang malungkot, bibigyan din kita ng pera…eto o..bili ka ng gusto mong pagkain…"

Kagaya ng pagtanggi niya sa blanket at tuwalya, hindi rin niya kinuha ang pera. Paulit-ulit siyang umiling.

"Gusto ko damit…"

Pare-pareho kaming nanlumong mag-iina. Puro kasi blanket, tuwalya at mga damit pangmatatanda ang aming dala para sa aming blanket project na ikalawang taon na naming ginagawa. (Dec. 2014)

Pinilit ko siyang tanggapin ang tuwalya at pera, kasabay ng pangako na babalik kami at dadalhan namin siya ng damit, at hindi lang isa.

"Pramis, babalik kami… kunin mo na ito o…," paglalambing ko sa bata.

Naunawaan naman niya dahil hindi na siya nagpakipot pa. Tinanggap nga niya ang aming handog, ngunit ang mga mata niya ay nanatiling walang sigla. Binigyan na rin namin siya ng isang t-shirt na angkop para sa matanda para lang tanggapin na niya ang pera.

Naisip namin … siguro'y nasasabik siyang magsuot ng mga nakikita niya sa ibang batang lalaking gaya niya. Siguro, ayaw na niya ng damit ng tatay o nanay niya, kuya o ate. Siguro nasa kamalayan na niya na dapat sukat sa kanya ang kanyang damit; may salawal, may sando o kaya'y t shirt. Siguro gusto rin niya ng tsinelas, ng sapatos upang may panapin siya sa kanyang mga paa.

Siguro…siguro…siguro.

Sa aming paglisan mula sa lugar na iyun, baon namin ang alalahanin na may batang mag-aabang sa aming pagbabalik; hindi kagaya ng ibang mga bata na bigla na lamang naming nilalapitan habang sila'y nakahiga sa kanilang mga inilatag na karton sa malalamig na semento o damuhan.

Dumanas kaming mag-iina ng maraming pagsubok sa buhay, sama-sama kaming nagtiis, namaluktot sa "maiksing kumot", 'ika nga ng isang kasabihan. Ngunit sa sama-samang pagsisikap, unti-unti na naming naiaangat ang aming kalagayan sa buhay… sa gabay ng Panginoon sa tuwina.

Eto nga, nagbabalik na kami ng pasasalamat sa Ama…hindi NIYA kami pinabayaang mag-iina. Pay it forward time na.

At para sa munting bata —- kami ay nagbalik. Dala nami'y higit pa sa wish niyang mga damit. Meri Krismas sa iyo!

Yes, binalikan namin siya one week after at hinandugan ng mga damit, laruan, tsinelas atbp! Ang aming dalangin para sa kaniya at sa kaniyang pamilya, nawa'y nasa mas mabuti na silang kalagayan ngayon.

Isa lamang si John Mark sa maraming bata sa lansangan na nangangarap makaahon sa kanilang kalagayan. Pasko man o hindi, nawa'y maraming bata ang makatagpo ng pagbabago sa kanilang kalagayan. Nawa'y maraming bata ang mahandugan ng pag-asang makapag-aral at makaranas ng mas mabuting buhay.

"The moment you decide that there is more to life than just yourself, your family and your friends, you will realize there is a world that only needs to be loved, to be changed and most of all to be discovered. This place, deep inside your heart, will make you think, will make you remember that we are here for a purpose and that purpose is to change others lives and not just better our own futures alone…" (Gilbert Martin II)


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/08/child-clothes-charity/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at August 31, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2025 (13)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.