Maraming Pilipino ang madalas gumagamit ng "ng" at "nang" na para bang pareho sila.
Ngunit mayroon mga pagkakaiba:
Ng
Ang "ng" ay ginagamit bilang katumbas ng salitang Ingles "of", sa mga pananalitang gaya: "ang trabaho ng tatay ko"
Ang "ng" ay ginagamit din para idugtong ang isang pandiwa sa layon nito, halimbawa: "bumili ako ng isang kotse"
Nang
Ang "nang" ay ginagamit bilang kapalit ng pananalitang Ingles "when" o kailan sa Tagalog, halimbawa: "nag-iinuman si Juan kasama ng kanyang mga kabarkada nang dumating ang asawa niya (at, syempre naman, nagalit )
Ang "nang" ay ginagamit din sa mga "pang-abay" para ipaliwanag kung papaano ginaganap ang pagkilos na inilalarawan ng isang pandiwa, halimbawa pwede akong "magsalita nang malakas, nang mahina", "tumakbo nang mabilis" ATBP
No comments:
Post a Comment