Madalas natin marinig sa seires of commercials ng isang brand ng ice cream brand ang tanong na, "Saan aabot ang P20 mo?" Pero minsan, napapaisip ka ba kung saan kaya aabot ang P20 mo kung sa ibang panahon ka ipinanganak?
Kung nasa taong 1966 tayo, isa lang namang ticket para sa Philippine concert ng iconic band na The Beatles ang kaya mong mabili sa halagang P20! Oo, tama ang nabasa mo—ticket nga sa concert ng The Beatles, dahil iba pa naman ang value ng pera noon sa mayroon tayo ngayon.
Ngunit paano nga kaya kung sa halagang P20 ay mapapanood mo na ang iyong mga idolo? Paano kung P20 lamang ang halaga ng isang concert ticket sa panahong ito?
Sa larawan ng 1966 The Beatles concert ticket na ibinahagi ng page ng The Beatles Philippines, marami ang nagpahayag ng paghahangad na sana ay P20 lamang ang presyo ng tiket ngayon. May mga humiling din na sana ay mayroon talagang time machine para babalik sila sa panahon na may dalang maraming P20 at doon ay bibili ng concert ticket para mapanood ang mga music legend na hindi na kailanman makikita muli na nagtatanghal nang buo sa isang concert stage.
Ngunit kung may mga napapa-"sana all", mayroon din namang mga talagang pinalad na makanood noon. Ang iba, katulad pa ng social media user na si Ador Dalena na nakabili ng tiket sa mas murang halaga—isang General Admission na nagkakahalaga lang ng P2.
Samantala, may mga bumalik din sa panahong iba pa ang halaga ng pera. Kung iisipin, ngayon kasi, minsan ay kulang pa sa isang inumin o sa isang klase ng pagkain ang P20 mo kapag nanood ka ng concert.
Biro tuloy ng isang social media user, "Mas mahal pa pamasahe ko papunta ng school, e. Siguro kung mag-time travel ako with only P1000, I'd be considered a millionaire."
No comments:
Post a Comment