DavaoPlus

Tuesday, 30 August 2022

[New post] Seth sa pananatili sa bahay kahit malaki na ang kita: ‘Napaka-special, wala pa ako, ‘yong bahay na ‘yon, bahay na’

Site logo image Cha Echaluce posted: "Simula noong lumabas sa Bahay ni Kuya, malayo na ang narating ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Seth Fedelin bilang isang aktor at endorser, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iniiwan ang dati nilang bahay, kahit pa malaki na ang kanyan" Definitely Filipino News

Seth sa pananatili sa bahay kahit malaki na ang kita: 'Napaka-special, wala pa ako, 'yong bahay na 'yon, bahay na'

Cha Echaluce

Aug 30

Simula noong lumabas sa Bahay ni Kuya, malayo na ang narating ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Seth Fedelin bilang isang aktor at endorser, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iniiwan ang dati nilang bahay, kahit pa malaki na ang kanyang kinikita.

Sa recent YouTube vlog ng beteranong broadcaster at talent manager na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Seth ang kanyang istorya, kabilang na ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naroon pa rin siya sa bahay nila sa Cavite.

seth

"Home is family, happiness, and everything. Lahat nando'n. 'Yong bahay namin, do'n ako pinanganak. 'Yong kwarto ko ngayon, do'n ako pinanganak. As in 'yong bahay na 'yon napakaano sa akin. Wala pa ako, bahay na," aniya tungkol sa dahilan kung bakit mahal na mahal niya ang nasabing tirahan.

Nasubukan na rin daw ni Seth na tumira mas malapit sa trabaho at dalawang beses sa isang buwan na lang umuwi ng Cavite, pero hindi rin nagtagal at naramdaman daw nito ang pangangailangan niya na umuwi.

"Kasi no'ng nagsisimula po ako, tumira ako ng Don Antonio, [Quezon City], sa may Ever. And umuuwi lang ako sa bahay sa Cavite parang two times a month," pagbabahagi niya. "So, parang hindi ko nakumusta sila Mama. Hindi ko sila masyado nakakausap. And September ng 2019, tumawag si Ermat. Sabi niya, 'Anak uwi ka dito. 'Yong lolo mo mukhang mamaalam na.'"

seth

"Umuwi ako no'n. Takbo ako ng Dasma no'n. 'Yon narealize ko na parang ito na lang ba 'yong gagawin ko? 'Pag merong ganiyan at saka ako pupunta? At saka ako makakaalalang pumunta?" aniya.

Dito ay nagdesisyon siyang bitiwan ang kanyang condo at bumalik sa kanila. Sa pagbabalik, unti-unti niya rin ipinaayos ang bahay na puno ng mga alaala nila ng pamilya. Mas magiging masaya raw siya kung hindi lang siya ang nakararanas ng ginhawa.

seth

"'Yong bahay namin tatlong kuwarto lang. 'Yong normal na bahay sa subdivision, which is dati, tingnan mo, Tito, sa condo ako nakatira. Sala ko may aircon, may heater 'yong banyo ko, 'yong dalawang kuwarto ko sa condo, may aircon, may TV na maayos, ang ganda," aniya. "Pero 'yong bahay ko ito lang. Naka-vinyl lang. Walang aircon, ang init. 'Yong CR, hindi maayos. Do'n ko na-realize na, 'Ano 'to?' Hindi tama 'to.'"

Panoorin ang video na ibinahagi ni Ogie Diaz sa YouTube:


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/08/seth-sa-pananatili-sa-bahay-kahit-malaki-na-ang-kita-napaka-special-wala-pa-ako-yong-bahay-na-yon-bahay-na/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at August 30, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (19)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.