DavaoPlus

Wednesday, 21 September 2022

[New post] Balikan: Baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka?

Site logo image Rexel-ian Reyes posted: "Natatandaan mo pa ba noong maging ang pagsuot ng tsinelas ay hindi mo pa nakasasanayan? Napagbabaligtad mo rin ba kung ano sa kanan at ano sa kaliwa? Paminsan-minsan sa social media, may mga nakaaalala pa rin ng ganitong mga pagkakataon sa kanilang" Definitely Filipino News

Balikan: Baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka?

Rexel-ian Reyes

Sep 21

Natatandaan mo pa ba noong maging ang pagsuot ng tsinelas ay hindi mo pa nakasasanayan? Napagbabaligtad mo rin ba kung ano sa kanan at ano sa kaliwa?

baligtad tsinelas

Paminsan-minsan sa social media, may mga nakaaalala pa rin ng ganitong mga pagkakataon sa kanilang kabataan. Para sa kanila, ang baligtad na pagkakasuot ng mga tsinelas nila ay isa sa mga unang pagkakamaling nagawa nila noong sila ay mga musmos pa at kailangan ng gabay ng mga magulang at nakatatanda.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang nakaraan, kung kailan simple lamang maging ang mga nagagawa nilang kamalian, kahit pa literal daw itong nagdudulot ng pagkadapa.

Sa nasabing post, mayroong mga natuwa habang binabalikan ang nakaraan at mayroon din namang mga napahugot na lang nang makita.

baligtad tsinelas

"'Yong isip kong bumabalik sa nakaraan!" kumento ng Facebook user na si C. H. Michelle. "Sarap balik-balikan."

"Tamang-tama! Hahahaha nakakatuwa lang maging bata. At ang sarap lang balikan," wika ni L. Dalit.

"Lahat nagkamali sa ganiyan hanggang natuto. We are not perfect, may time na nagkakamali tayong lahat, pero ang mahalaga ay natuto tayo," saad ni J. D. Mirambel.

"True, iyan ang unang pagkakamali sa buhay noong bata pa. Ngayon, marami nang pagkakamali na hindi mo alam kung paano mo maitatama. Ang tsinelas, napakadaling itama pero ngayon, ang mga pagkakamali mo ay mahirap itama," sabi naman ni G. Sombrero.

baligtad tsinelas

Ang sarap din talagang balikan ang nakaraan, ano? Mga panahong kahit ang pagkakamali ay hindi pa ganoon kalaking problema. Mga panahong matatawa ka na lang kapag naalala mo.

Ikaw, baligtad ka rin ba magsuot ng tsinelas noong bata ka pa? Paulit-ulit ba itong itinuro sa iyo o natutunan mo rin naman agad? Ibahagi ang iyong istorya sa comments section at sabay-sabay nating balikan ang mga alaala na nagpapaganda sa ating nakaraan!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/baligtad-tsinelas/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 21, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.