Dabarkads, nami-miss mo na ba ang dating Eat Bulaga host na si Gladys Guevarra? Kung oo, tiyak na ikatutuwa mo ang bagong update tungkol sa kanya. Ang well-loved Dabarkad-host noon, may sarili nang bahay sa U.S. ngayon.

Sa ulat ng GMA News, ipinakita ang bagong bahay na ibinahagi ni Gladys, o mas kilala sa tawag na "Chuchay", na ibinahagi niya sa kanyang private Instagram account kamakailan.
"Day 1 . . . Finally a home I can call my own," aniya. "Ang hirap, pero thank you Lord. Sa mga tumulong sa akin, ayaw nyo pabanggit pero salamat. Mik, Gui Panginoon na bahala magbalik sa inyo. Salamat ng maraming marami sa tiwala. Kay General Piapie lumabo mata ko sa papers. Sayo din brader Min, super dooper thank you. Mark, hulog ka ng langit, lam mo yan thank you bro talaga. Unang araw today, ilang araw lang, maaayos ko na to. Gen, Ok na bank natin hehe! Tapos beep beep! . . . To God Be All The Glory. Day 2, let's go!!!! . . . #keepmovingChuchay #daminagmamahal . . . Grabe kayo,"

Huling napanood si Gladys sa GMA primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na ipinalabas noong 2020 at 2021, at sa defunct weekly musical variety show na Sunday PinaSaya.
Isa nang misis ngayon si Gladys at masaya sa piling ng non-showbiz husband niya na si Mike Navarrete simula noong nakaraang taon. Sa isang episode ng Mars Pa More, ibinahagi niya kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang asawa at kung paano niya ito nakikita bilang isang biyaya mula sa Maykapal.
"Parang binigyan na ako ni Lord ng ito, so, ito na 'yon," saad niya nang tanungin ng host na si Iya Villania-Arellano kung ano ang plano niya dahil hindi naman niya talagang plano manirahan sa ibang bansa, kung saan niya nakilala ito.
"This time kasi, parang ano, ito 'yong totoong masasabi kong spark. Ito 'yong totoo na masasabi kong, 'Ay, may feelings na involved,'" wika pa ng dating komedyante.

No comments:
Post a Comment