Ang 24-anyos na aktor na si Donny Pangilinan ay binisita ang lugar kung saan niya ipinapagawa ang kanyang bagong bahay na tinawag niyang "Casa Donato". Malapit nang matapos.
Nakaupo ang aktor sa tila upper level ng kanyang bahay na open area pa rin na may ilang konkretong poste, na makikita sa kanyang Instagram post noong,Sept. 6.

Aniya, "Almost there" na may dalawang emoji at ang hashtag na "Casa Donato."
Mula sa pagiging aktor, modelo, host at mang-aawit, nahirapan man, nagawa niyang makapagpasimula ng pagpapatayo ng sariling bahay sa edad na 24. Dahil sa kanyang kasipagan, ito ang naging bunga ng kanyang mga pagsusumikap sa buhay.
Kasama sa mga celebrities na nagpadala ng kanilang congratulatory messages kay Donny ang kanyang tiyuhin na si Gary Valenciano, pinsang Gab Valenciano, Bianca Gonzalez at Christine Bersola.

Ayon sa isa pang Instagram post nito noong July 22 ay napasama ang aktor sa PeopleAsia's Men Who Matter 2022. Marami ang netizens na nagkomento dito na tuwang-tuwa. Nagkomento rin ang mga kilalang celebrities at mga social media influencers.
Aniya,"It has been a crazy journey so far, but this is definitely one for the books. Glory is all His."
Samantala, nakatakdang bumalik sa big screen ang aktor kasama ang kanyang onscreen partner, ang aktres na si Belle Mariano, para sa kanilang pangalawang pelikulang magkasama na "An Inconvenient Love." Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Nobyembre.

Basahin: Belle Mariano pens touching letter to her 'He's Into Her' character: I'm glad I got the honor to portray you.
Sa Instagram post, sinulat ni Belle ang isang nakaaantig na bukas na liham sa kanyang karakter, si Maxpein Del Valle, at tinawag itong "isang liham para sa pinakamatapang na batang babae na nakilala ko."
"With your journey, I learned how to have stronger relationships, I've built my courage, I've learned how to stand up for what is right. Lastly, you've taught me na, 'Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak.' You've shown us that even the bravest persons have their soft side, too…and that's okay," saad ni Belle.
No comments:
Post a Comment