DavaoPlus

Sunday, 11 September 2022

[New post] Ginawa mo rin ba? Margarine at asukal, pampasarap ng mga batang Pinoy sa ordinaryong tinapay

Site logo image Rexel-ian Reyes posted: "Simple lamang ang masarap na meryenda para sa mga batang Pinoy noon. Margarine at asukal lang, sasarap na ang ordinaryong tinapay at magiging satisfied na sila. Isa ka ba sa mga nahilig sa ganito noong ikaw ay musmos pa? Sa litratong ini-upload ni Marl" Definitely Filipino News

Ginawa mo rin ba? Margarine at asukal, pampasarap ng mga batang Pinoy sa ordinaryong tinapay

Rexel-ian Reyes

Sep 11

Simple lamang ang masarap na meryenda para sa mga batang Pinoy noon. Margarine at asukal lang, sasarap na ang ordinaryong tinapay at magiging satisfied na sila. Isa ka ba sa mga nahilig sa ganito noong ikaw ay musmos pa?

margarine asukal

Sa litratong ini-upload ni Marlo Ren Celemente sa Facebook group ng page na Klasik Titos and Titas of Manila, binalikan ng marami ang isa sa mga paborito nilang meryenda noong sila ay mga paslit pa.

"Ginawa mo ito noong bata ka at hanggang ngayon ginagawa mo pa rin bago dumating ang araw ng suweldo," saad ni Clemente sa caption ng larawang ibinahagi niya.

"90s thing! Samahan mo pa ng Star rice," wika naman ng admin sa na nagbahagi ng screenshot mula sa grupo.

Hindi na nakagugulat na marami ang naka-relate sa post na ito at nagsimulang magbahagi ng kani-kanilang karanasan ang mga social media user sa pamamagitan ng comments section at sa caption ng kanya-kanya nilang shared post.

May mga naging paborito raw ito na halos ito na lamang ang kinakain sa almusal at meryenda. Mayroon namang ipinapares ito sa softdrinks. May mga nagsabi rin na mas nakahiligan nila ito kaysa sa sweet blend flavor ng isang margarine brand. Mayroon ding ipinapa-toast ito para mas maging masarap pa para sa kanila.

margarine asukal

Samantala, bukod sa masarap na lasa nito, marami rin daw ang hindi makalimutang naniwala sila na tatangkad kapag pagpatuloy sila sa pagkain ng tinapay na nilagyan ng margarine.

"Pinangakuan akong tatangkad kapag kumain ako nito. Awa ng Diyos, tumangkad mga kapatid ko," kuwento naman ng social media user na si K. Valera.

"Breakfast at lunch," kumento naman ng user na si M. E. Misa. "Sabi kasi tatangkad daw ako. Hindi naman nangyari."

margarine asukal

Tumangkad man o hindi, isa lamang ang tama: matatamis na alaala ang dala ng tinapay na may margarine at asukal.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/margarine-asukal-tinapay/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 11, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • February 2026 (2)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.