DavaoPlus

Saturday, 10 September 2022

[New post] Guro, gumawa ng ‘food pantry’ para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga estudyante

Site logo image Ray Santiago posted: "Umani ng papuri at suporta mula sa netizens ang nisyatibo ng isang Filipino teacher matapos nitong mag-post ng TikTok video kung paano nagsimula ang classroom pantry. Naka-upload din ito sa kanyang Facebook account. Ang pantry ng silid-aralan ng isang " Definitely Filipino News

Guro, gumawa ng 'food pantry' para matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga estudyante

Ray Santiago

Sep 10

Umani ng papuri at suporta mula sa netizens ang nisyatibo ng isang Filipino teacher matapos nitong mag-post ng TikTok video kung paano nagsimula ang classroom pantry. Naka-upload din ito sa kanyang Facebook account.

Ang pantry ng silid-aralan ng isang guro sa Aglipay, Quirino ay nagbibigay ng mga libreng gamit sa paaralan at pagkain sa mga estudyante.

Ginamit ni Sir Rafael Gutierrez ng Diodol Elementary School ang kanyang sariling pera upang simulan ang inisyatiba na tinatawag na "Classhome Pantry" upang tumugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral na nagugutom sa paaralan dahil sa kakulangan ng kanilang pamilya sa gitna ng patuloy na pandemya dulot ng Covid-19.

Ang pantry ng guro ay punong-puno ng mga libreng gamit sa paaralan at mga pagkain tulad ng meryenda, mga de-lata, at iba pang kailangan para sa mga mag-aaral sa ikatlong-baitang ng paaralan.

"PARA SA BATA, PARA SA BAYAN. Sila ang salamin ng aking kahapon, at ang hinaharap ng lahat. Hindi ko batid kung saan magsisimula sapagkat alam kong walang dulo ang paglalakbay. Ang maliit na hakbang ay munting pag-usad tungo sa kung ano ang ating misyon at bokasyon," sinabi ni Sir Rafael sa kanyang TikTok video na nai-post noong Setyembre 3, 2022.

Umani na ito ng mahigit 32,600 reaksyon, halos 1,800 komento at paisang libong shares.

"Sa mga nagpaaabot po ng tulong, panalangin, at nagpapahayag ng pag-asa, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat," tugon naman ng guro sa mga naantig sa kanyang inisyatibo.

Basahin: Guro hinangaan sa paghatid sa estudyanteng 'di nasundo ng magulang

Kamakailan, may isang guro na nakuhanan ng larawan habang inihahatid ang kanyang estudyante upang masiguradong ligtas itong makauuwi sa kanilang tahanan.

Kuwento ng uploader at asawa ng guro na si Benj Cesar, mahigit dalawang oras na naghintay ng kaniyang sundo ang bata kaya nagdesisyon ang gurong si Dayanara Cesar na ihatid na lamang ito. Pinapayungan pa niya ito habang naglalakad sa ilalim ng ulan.

"11:15 Dismissal time pero wala pa ring sumusundo sa bata kaya naisipan niyang ihatid na lang dahil 1:30 pm na," sabi ng uploader.

Kahit gusto pagsabihan ang mga magulang ng bata ay wala raw siyang magagaawa dahil hindi niya naman alam ang buong kuwento kung bakit hindi nila nasundo ang anak.

Saludo sa mga gurong may puso!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/guro-food-pantry-clashome/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 10, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • February 2026 (1)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.