DavaoPlus

Saturday, 10 September 2022

[New post] The Haunted: Chapter 10 Ex-Center of His Universe

Site logo image IRIS posted: " "So, ano talaga ang ipinunta mo sa Baguio?" tanong ni Rupert. "Panagbenga." Napangiti si Rupert, yung ngiti na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Okay, so bale pinapasyal ninyo ni Jim ang kids ninyo?" follow-up question niya. Nakatingin s" The World of Second Chances

The Haunted: Chapter 10 Ex-Center of His Universe

IRIS

Sep 10

"So, ano talaga ang ipinunta mo sa Baguio?" tanong ni Rupert.

"Panagbenga."

Napangiti si Rupert, yung ngiti na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Okay, so bale pinapasyal ninyo ni Jim ang kids ninyo?" follow-up question niya. Nakatingin sya ng taimtim sa akin na parang pulis na nag-uusisa sa kawatan.

"No, I came here alone," hindi ako tumingin sa kanya kaya hindi ko alam ang naging ekspresyon niya.

"There must be trouble in paradise?" seryosong tanong niya.

"Wala naman..." maagap kong sagot habang naglalakad ng kaunti papunta sa front door.

"I wouldn't ask more questions about your family. Anyway, what's your plan for today?" nakapamewang niyang tanong.

"Kukunin ko siguro ang TOR ko at diploma sa school," ang naiilang kong sagot.

Nahalata kong medyo nagulat siya.

"Are you sure? Nawala ba ang transcript of records at diploma mo?"

"Hindi ko pa talaga nakuha. Noong umuwi ako pagkatapos ng graduation, hindi na ako bumalik pa. It took me almost 20 years to finally have the courage to come back," seryoso kong sagot.

Hinawakan niya ako sa kamay, hindi ko alam pero hindi ko binawi ang pagkakahawak niya.

"Leona, don't tell me hindi ka nag-pursue ng career na gusto mo after college?" naroon ang concern sa boses niya.

Nagtama ang mga mata namin, binabasa ng bawat isa sa amin ang nilalaman ng puso at isipan. Binawi ko ang paningin ko sa mga mata niyang nangungusap, iniingatan kong buksan anuman ang damdaming nakatago sa akin. Takot? Hiya? Pagkabahala? O baka naman may natutulog pa kaming damdamin para sa isa't-isa?

"Hindi naman ako nagtatrabaho sa isang sikat at malaking kumpanya. Hindi nila ako hiningan ng mga bagay na iyan. Pinakita ko lang ang school ID ko and that was it," nahihiya kong sagot.

"Oh, hindi pala natuloy ang Jessica o Korina dream mo?" pagtutukoy niya sa mga idolo kong sila Jessica Soho at Korina Sanchez.

"That's life. It has full of surprises. Para namang bago ka nang bago," sagot ko.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin at humalukipkip.

"Ano'ng oras ka ba pupunta ng SLU? Samahan na kita," alok niya.

"Pagkakain ko ng breakfast."

"Ooops, sorry. Nagpa-deliver lang ako kanina. I wasn't expecting any visitor."

"What about your wife?" ganti kong tanong.

Napangiti siya, yung ngiti na hindi malaman kung maiinis o matutuwa sa tanong ko.

"I'm a damaged man, kahit si Abigail na napakabait ay hindi talaga tatagal sa akin," napapailing niyang sagot.

May kurot ang pangalang binanggit niya sa akin. May kaunti din akong pagsisisi kung bakit ko pa natanong.

"May breakfast namang inihanda si Dina. I should go now," pagpapaalam ko.

"I'll be there in 30 minutes. Antayin mo ako. Sasamahan na kita," sabi niya habang binubuksan ang front gate.

"Hindi ba magagalit ang boss mo kung ma-late ka sa trabaho?"

Napangiti na naman siya na alanganing natutuwa at alanganing nagtataka sa tanong ko. Lalong lumulutang ang angkin niyang kagwapuhan sa facial expression niya.

"Sasabihin ko na lang na may old friend akong nagbabakasyon at gusto naming sulitin ang panahon. Sa palagay mo, pwede na bang dahilan yan?"

Napangiti ako at napatango. Habang nilalakad ko ang pauwi sa college house ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasaktan ako sa salitang "old friend." Hinahanap-hanap ng pandinig ko ang mga matatamis na kataga o taguri niya sa akin noong mga panahong kami pa.

Princess.

Ms. Universe.

One of a kind.

Love of my life.

Hayan ang mga tawag niya sa akin dati. At ngayon ay isa na lamang akong old friend. Nalulungkot ba ako dahil hindi na ako ang center of his universe o sadyang bad news lang talaga ako kahit kanino? Nagsisikip ang dibdib ko sa nagsisimulang bugso ng mga damdamin. Dinukot ko ang bulsa ko at hinanap ang isang bagay na makakapagpakalma sa akin.

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Unsubscribe to no longer receive posts from The World of Second Chances.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
http://irisdcrystal.com/2022/09/10/the-haunted-chapter-10-ex-center-of-his-universe/

Powered by WordPress.com
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 10, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • February 2026 (1)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.