Itinampok sa digital billboard sa Seoul, South Korea ang Kapamilya stars na sina KD Estrada at Alexa Ilacad.
Ang "Run To Me" stars ay ipinakita sa isang napakalaking LED screen matapos silang hirangin na Best International Artist sa Idol Pick, isang K-pop website.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng show producer na Dreamscape Entertainment Inc. sa social media post nito noong Sept. 7
"KD Estrada and Alexa Ilacad won the Best International Artist at #IdolPick's 83rd Electronic Signboard Event. The signboard promotes the upcoming TV Airing of KDLex's first ever series, #RunToMe, along with other Korean stars. But wait... there's more! The win also became the two top trending topics on Twitter!Congratulations KD Estrada and Alexa Ilacad!" saad sa post ng Dreamscape.

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas nito sa iWantTFC, mapapanood na rin sa telebisyon ang "Run To Me".
Simula September 11, ang seryeng dinirek ni Dwein Baltazar ay mapapanood na sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.
Matatandaan na ang dalawa ay sumabak sa Pinoy Big Brother Season 10 Celebrity Edition.

Basahin: Alexa Ilacad, nakatanggap ng billboard surprise mula sa kanyang mga tagahanga
Matatandaan na noong simula ng taong 2022 ay inilabas ni Alexa Ilacad ang kanyang bagong pop ballad single na "Paano," isang kanta na isinulat niya noong siya ay nakaranas ng kanyang unang heartbreak. Nang pagdaanan niya umano ang masakit na karanasan noong 2016, isinulat niya sa Notes app ng kanyang cellphone ang lahat ng nararamdaman niya at lahat ng "how's" na kanyang naiisip.
Bilang suporta, nakatanggap si Alexa ng billboard surprise galing sa kanyang mga tagahanga kung saan naging usap-usapan ito sa social media.
Enero 21, 2022 nang ibinahagi ng singer-actress kung gaano siya na-speechless matapos malaman na nag-set up ang mga fans nila ni Eian Rances ng billboard sa Pasig City para sa kanyang bagong inilabas na kanta.
No comments:
Post a Comment