DavaoPlus

Sunday, 11 September 2022

[New post] Memory lane: Harrison Plaza, isa sa mga unang shopping mall sa bansa

Site logo image Rexel-ian Reyes posted: "Natatandaan mo ba ang mga lugar na pinapasyalan mo noon? Sa loob ng ilang dekada, naging malaking parte ng buhay ng maraming Pilipino ang Harrison Plaza. Sa social media, marami pa rin ang nakatatanda kung gaano kasikat ang shopping area na ito noo" Definitely Filipino News

Memory lane: Harrison Plaza, isa sa mga unang shopping mall sa bansa

Rexel-ian Reyes

Sep 11

Natatandaan mo ba ang mga lugar na pinapasyalan mo noon? Sa loob ng ilang dekada, naging malaking parte ng buhay ng maraming Pilipino ang Harrison Plaza.

Harrison Plaza

Sa social media, marami pa rin ang nakatatanda kung gaano kasikat ang shopping area na ito noong mga panahong kaunti pa lamang ang shopping mall na mapupuntahan.

"Diyan nagsisimba ang family namin tapos kakain sa I Am Hungry sa tabi ng Rustans Supermarket. Then sa Magnolia at Goldilocks. At may nagpe-perform na singers diyan noon. Last na punta namin noong December 2019 closing na nakakalungkot," pagbabahagi ni A. Tabones.

"Mas masarap pumunta sa Harrison Plaza kaysa sa ibang malls ngayon. Sa Harrison Plaza, mayroon talagang mga bench na mauupuan mo. 'Di tulad ngayon na bihira ka lang makakita ng bench. Iilan lang, maliit pa," ani C. M. Araneta.

Harrison Plaza

"Bata pa kaming magpipinsan nang mamasyal kami riyan. Ang eldest ay 16 years old, ang youngest ay six years old. Nanonood at kumakain kami, then 'pag kinulang pamasahe pauwi, naglalakad kami pauwi from Harrison to Sta. Ana. Ang saya noong kabataan namin 'pag naaalala ko," pagbabalik-tanaw ni S. M. Capayas.

"Malawak at may tambayan sa gitna. Masasaya ang memories namin diyan ng kapatid kong nasa heaven na," kuwento ni J. Cabanes.

Wika naman ni T. EspeƱa, "Gone but not forgotten."

Harrison Plaza

Agad na pumatok sa mga Pinoy ang Harrison Plaza nang buksan ito noong 1976. Naging paborito ito ng marami, hindi lamang bilang isang pamilihan ngunit bilang isa rin pasyalan para sa mga magkakapamilya, magkakaibigan, magkakasintahan, at iba pang mga taong gustong maglibang at sulitin ang panahong hindi sila masyadong abala.

Matapos ang mahigit apat na dekada, ang HP ay tuluyan nang isinarado noong 2019 at idinemolish na upang magbigay-daan sa isang proyekto ng SM Prime Holdings.

Naging bahagi rin ba ng buhay mo ang Harrison Plaza? Ibahagi ang iyong mga kuwentong Harrison sa comments section!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/harrison-plaza-shopping-mall/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 11, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • February 2026 (2)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.