DavaoPlus

Monday, 19 September 2022

[New post] Para kay Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, ‘Everybody is both smart and beautiful in their own ways’

Site logo image Ray Santiago posted: "Marahil, para sa maraming tagasubaybay ng mga pageant, isa sa mga dahilan kung bakit nasungkit ni Binibining Pilipinas International Nicole Borromeo ang kanyang titulo ay ang kanyang walang paligoy-ligoy na pagsagot sa mga katanungan;  maiksi, on-point at" Definitely Filipino News

Para kay Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, 'Everybody is both smart and beautiful in their own ways'

Ray Santiago

Sep 19

Marahil, para sa maraming tagasubaybay ng mga pageant, isa sa mga dahilan kung bakit nasungkit ni Binibining Pilipinas International Nicole Borromeo ang kanyang titulo ay ang kanyang walang paligoy-ligoy na pagsagot sa mga katanungan;  maiksi, on-point at malinaw na naipapahayag.

At para sa mahinahon na Cebuana, mayroon lamang siyang nais iparating na mensahe na sana'y hindi na itanong sa kahit sinong babae.

"I remember there was this person who wanted to ask, 'Would you rather be smart, or beautiful?' And I just was not a fan of that question," pagbabahagi niya sa isang panayam ng Inquirer na ginanap umano sa Owner's Circle sa Araneta City, Quezon City matapos siyang makoronahan noong Hulyo.

Para kay Borromeo, ang ganoong tanong ay tila naglalagay sa mga tao sa mga 'kahon' at hindi dapat pinapipili kung mas nanaisin nitong maging maganda o  maging matalino. Idinagdag din nito na "everybody is both smart and beautiful in their own ways."

Para sa estudyante ng kursong Interior Design, "beauty is subjective, being smart is also subjective."

Samantala, bagama't siya ang hiirang na Bb. Pilipinas International 2022, sa susunod na taon pa siya sasabak sa international pageants.

Ang 60th Miss International pageant kung saan lalaban ang nauna sa kanya na si Hannah Arnold ay sa Disyembe pa lamang gaganapin sa bansang Japan. Nakatakda sana iyong maganap noong 2020 ngunit kinailangan ipagpaliban dahil sa kinaharap ng mundo na krisis sa kalusugan at ang mga nag-organisa sa Tokyo ay nagdesisyon na ring huwag magdaos ng kompetisyon noong 2020.

Gayunman, ang mga 2022 batchmates ni Borromeo ay naghahanda na para sa kani-kanilang lalahukang kompetisyon na magaganap na sa paparating na Oktubre.

Sina Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano at Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ay umaasam ng back-to-back na pagkapanalo para sa Pilipinas sa kani-kanilang laban.

Si Basiano ay susubok na mapasakanya ang Miss Intercontinental crown ni Cinderella Faye Obeñita sa Egypt sa Oktubre 14 (Okt. 15 sa Maynila) habang si Fernandez naman ay tatangkaing maiuwi ang Miss Globe crown na kasalukuyang nakaputong kay Maureen Montagne. Sa Albania naman sa Oktubre 15 (Okt. 16 sa Manila) nakatakdang ganapin ang kompetisyon.

Si Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong, samantala, ay umaasang makamit ang unang gintong korona sa ika-10 edisyon ng Miss Grand International pageant na sa Indonesia naman magaganap sa ika-25 ng Oktubre.

Anuman ang kauuwian, may isang bagay na tiyak na tiyak kay Borromeo... ang suporta ng kanyang minamahal na pamilya. ""With or without a crown, I'm proud of you."

My family was never type to force things with me and I can't thank them enough for giving me the freedom to follow my heart. This goes to the support back home. My backbone. 💗"

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Borromeo (@nicole.borromeo)


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/nicole-borromeo-on-smart-beautiful/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 19, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (16)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.