DavaoPlus

Thursday, 22 September 2022

[New post] Pasan no more: ‘Taho kid’ ng Tanza, nakatanggap ng bagong E-bike with sidecar, grocery atbp

Site logo image Ray Santiago posted: "Kamakailan ay nag-viral ang mga kuhang video at larawan ng isang netizen na si Jhap Tarog sa isang estudyante sa Tanza, Cavite na nagtitinda ng taho habang papasok sa eskwelahan, tuwing breaktime at pag-uuwi na ito. Mahirap na gawain para sa isang kaba" Definitely Filipino News

Pasan no more: 'Taho kid' ng Tanza, nakatanggap ng bagong E-bike with sidecar, grocery atbp

Ray Santiago

Sep 22

Kamakailan ay nag-viral ang mga kuhang video at larawan ng isang netizen na si Jhap Tarog sa isang estudyante sa Tanza, Cavite na nagtitinda ng taho habang papasok sa eskwelahan, tuwing breaktime at pag-uuwi na ito.

Mahirap na gawain para sa isang kabataang papasok pa sa paaralan, 'di ba? Hindi biro ang magpasan ng mga paninda niya mula sa bahay patungo sa paaralan, pero kinakaya naman niya nang may ngiti.

Pero no more pahirap! Dahil ang estudyateng nabanggit ay may magagamit nang e-bike na may sidecar mula sa mga may mabubuting pusong netizens.

Back Story

Si Gopi o Gurprit Paris D. Singh sa totoong buhay, ay labing-anim na taong gulang at Grade 11 sa kanyang pinapasukang paaralan. Siya ay ipinanganak sa Cebu City at nakatira ngayon sa Tanza, Cavite.

Ang estudyante ay may lahing Indiano dahil ang kanyang tatay ay isang Indian National. Ang nanay naman niya ay isang Filipina.

Basahin: Estudyante sa Cavite, nagtitinda ng taho habang patungo sa paaralan at kada breaktime

Matapos mag-viral ang video at mga litrato niya, napanood ito ng dalawang magkaibigan na negosyante na sina Mike Ivander Presa at Renz Marlon Galloba Mateo ng JRP Thailand. Binalak agad nila itong bigyan ng maagang pamasko.

Ayon sa post ng Epipanio Delos Santos Avenue, personal na ibinigay ng magkaibigan ang cash donation, grocery items at hindi lang yon mayroon pang bagong E-bike with sidecar para hindi na siya nahihirapan pasanin ang itinitinda niyang taho. Ito ay maagang pamasko sa estudyanteng si Gopi.

Sa bagong E-bike with sidecar ng estudyante, tiyak na mapapagaan na ang paglalako niya ng taho at mas maraming oras ang mailalaan niya sa kanyang pag-aaral.

"Magagamit nya itong bagong E-bike sa pagtitinda nya ng taho. Hindi na siya mahihirapan pang magbuhat. Magagamit din niya ito pagpasok sa eskwela," pagbabahagi ni Mike Ivander Presa.

Biniyayaan siya ng mga matulunging tao upang bigyan siya ng magagamit sa kanyang paglalako dahil inaalala din nila ang sitwasyon ng estudyante lalo na't ito'y nag-aaral pa.

Sa cash donation naman na ibinigay ng magkaibigan, magagamit ito ni Gopi sa mga bayarin sa eskwelahan at mga gastusin sa kanilang tinitirhan.

"Itong cash donation magagamit niya sa pangangailangan niya sa mga gastusin sa bahay at eskwela. Itong grocery item naman para sa kanilang mag-ina. Sa maliit na paraan man lang ay makatulong kami kay Gopi. Isa siyang huwarang anak at estudyante," pagsasalaysay ni Renz Mateo.

'Ika nga ni Gopi, "Life is like  Math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me."

Ang kuwento ng huwarang anak at mag-aaral na si Gopi ay magpapaalala sa mga kabataan na maging determinado sa pagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap. At kapag mayroong mga tumutulong, huwag nilang sayangin ang mga pagkakataon.

Samantala, silipin natin ang ibinahaging video ng Epipanio Delos Santos Avenue  kung saan makikitang ibinibigay ng JRP Thailand ang kanilang maagang pamasko sa estudyante.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/taho-kid-e-bike-sidecar/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 22, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.