Malamang, napakinggan mo na ang "Kumpas".
Ito ang theme song ng 2 Good 2 Be True, ang comeback teleserye ng KathNiel tandem. Nilikha ito ni Moira Dela Torre at itinanghal niya ito sa media conference ng teleserye mahigit apat na buwan na ang nakararaan.
Pagbabahagi niya sa mediacon, "Hindi lang ito sa synopsis ng 2 Good To Be True naka-base. I also based it on their documentary." Dinagdag pa niya na ito ay isang regalo para kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang 10th anniversary, hindi lang bilang love team kundi bilang real-life couple.
Ang "Kumpas" ay tungkol sa isang pag-ibig na tila wala ka nang hahanapin pa. "Someone who serves as your compass. No matter what happens, as long as you're with this person, you know you'll be alright."
Ang singer-composer na hiwalay na sa kanyang asawang si Jason Hernandez ay minsan na ring naglahad na hindi niya kailanman naisip na isang araw ay siya mismo ang makaka-relate sa kanyang mga awit na 'mapanakit' kung ilarawan ng kanyang mga fans.
Sa isang panayam sa programang Magandang Buhay ay emosyonal niyang naibahagi na, "I guess sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging 'yun 'yung initial reaction ko eh. I always say. 'What did I do wrong?' So especially now. Saan ba ako nagkulang? Dati akala ko yung 'Paubaya' kanta ko lang."
Ngunit pag-amin niya na hindi man madali ay naniniwala siyang maghihilom din ang sakit.
"I also know na God makes all things beautiful in His time and 'yon talaga 'yong pinanghawakan ko na I may feel like a broken glass right now but God can make me a diamond again and I know I'll be whole again," aniya.
Basahin: Fans on release of Moira's lyric video: This song hits different now
"Kumpas" Rewritten version
Samantala, nagbahagi ang 28-anyos na singer-composer ng rewritten version ng 'Kumpas' (Official Live Performance) nitong ika-27 ng Setyembre sa kanyang YouTube channel.
Agad na bumuhos ang napakaraming madamdaming komento sa kanyang rewritten version ilang oras pa lamang matapos itong i-upload. Kapuna-puna ang mga nabagong linya na mas humaplos sa damdamin ng mga nakapanood at nakarinig. Ramdam na ramdam mo rin ang emosyon habang inaawit ito ni Moira.
"Sa isang iglap nalunod ako nang di ko na kaya inahon mo ako." Maraming salamat Moi! Isang mahigpit na yakap!"
"Kumpas re-written version is about those people who are struggling and battling alone. sometimes we feel that we're about to give up, but there's one Person who stayed with us. and that's Him."
"I feel like this song is about God's unconditional love for us."
"The re-written song gives more highlight to God. Ang galing lang talaga."
"The way Moira looked up when she sang the line, "Ikaw Ang Kumpas..." in the first chorus. Truly it's God who always delivers and saves us in the most difficult moments of our lives. Thank you, Moira! This is a great reminder for us!'
"This song remind us na kahit anong pagsubok yung maranasan natin, God is still with us, tutulungan nya tayong mas maging better at maging palaban sa haharapin pa.'
"Ang sarap umiyak while listening to this song and feel God's unconditional love for us."
"Thank you po for this song!!! Ang galing mo po, Miss Moira!!! Payakaaaapp!!!"
"I love this version, I feel the pain, but if you view it in a perspective where God provides direction to our astrayed self we will feel the unshaken and unconditional love of him. Thank you for bring Moira to our world."
"Pamilya ang magbibigay lakas, at Diyos ang magbibigay ng kumpas. Hangad naman ang tuluyan mong paghilom ate Moi!"
Ang tindi talaga ng ating Awit Awardee for Most Streamed Artist. May surprise announcement pa sa dulo ng video. MOIRA World Tour 2023! Pinaplantsa na!
Mahigpit na yakap, Moira!
No comments:
Post a Comment