Nag-viral kamakailan si Xian Gaza matapos mag-post ng mga larawan niya at ng isang 18-year-old model na nagbo-bonding sa Singapore.
Sa Facebook post ni Xian ay makikita na silang dalawa ng modelo ay gumagala sa Universal Studios Singapore noong Sept. 3.
Pagkatapos makita ang picture, maraming netizens ang nagkomento na si Xian ay sugar daddy ng model.

Gayunpaman, nilinaw ni Xian sa isang bagong Facebook post na kaibigan lang ang modelo at hindi siya "sugar daddy" nito.
Aniya, "Hindi niya ako Sugar Daddy o Sponkey. Hindi ko siya Sugar Baby. We are good friends and she has a special place in my heart dahil may ambag siya sa aking personal na kaligayahan na hindi kayang ibigay ng iba."
Dagdag pa niya, nagkakilala sila online noong 18 years old na ito. Ipinaliwanag ni Xian na alam ng mga magulang ng modelo ang tungkol sa kanilang pagiging magkaibigan.
"We met online after her 18th birthday. I didn't groom her as a minor. Her mom and her older sisters know about our virtual friendship. I went to Singapore para lamang ma-meet silang mag-ina. Gano'n siya kaespesyal sa akin."

Binalaan ni Xian ang mga bashers na lalabanan niya ang mga ito kapag nagpasya silang ipagpatuloy ang pag-bash at pagpapakalat ng tsismis tungkol sa modelo.
Aniya, gusto niyang tulungan ang modelo na magtagumpay sa kanyang buhay at karera.
Paliwanag niya, "We decided to upload our SG photos because I want to create a modelling career for her given my massive influence on Philippine social media. Hahatakin ko siya pataas all the way to the top. So please, huwag niyo na siyang pagtsismisan sa mga GC. Kapag kinalaban mo siya, kalaban mo na rin ako. Sisirain ko buhay mo."

Ang payo niya sa lahat ng Generation Z, "ang tropahin ninyo ay yung mga millennials na survivor in life at maraming pinagdaanan sa buhay upang magabayan kayo ng tama at hindi na maulit sa inyo yung mga pagkakamaling nagawa ng aming henerasyon."
No comments:
Post a Comment