Si Klay, nag-trending? Actually, ang MCI mismo, nag-trending din.
Ipinalabas na ng Kapuso Network ang teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" (o MCI) na pinagbibidahan nina Barbie Forteza bilang Klay, Dennis Trillo bilang Ibarra at Julie Anne San Jose bilang Maria Clara simula nitong Oktubre 3. Mapapanood ito sa GMA Telebabad gabi-gabi.
Sabi nga sa mga ulat, isang milestone ito dahil ang history at pagmamahal sa bayan ay isang fun learning experience sa pamamagitan ng "Maria Clara at Ibarra." May timpla kasi itong historical, comedy, romance, at fantasy at ang mga gumaganap pa ay mga markadong artista.

Ang kwento dito ay halaw mula sa makasaysayang nobela ng bayaning si Gat Jose Rizal na "Noli Me Tangere", na muling binigyang-buhay upang mailapit sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon.
Ginagampanan ni Barbie ang karakter na si "Maria Clara" o "Klay", isang nursing student na maraming pagsubok sa buhay at maiksi ang pasensya sa mga bagay na sa tingin niya ay wala namang katuturan para pagbuhusan ng oras. Hindi nito mawari kung bakit may asignaturang kailangan pang pag-aralan gaya ng naturang nobela gayong wala naman umano itong kinalaman sa kurso nilang nursing o sa itatakbo ng kanilang karera o propesyong pinaghahandaan.

Mapapalakbay si Klay sa nakaraan at ang mga sumunod na eksena ay naghatid ng kaaliwan at tuwa sa mga netizens na nagbahagi ng kanilang reaksyon sa panonood ng mga unang episodes.
Agaw pansin ang pagganap ni Barbie sa kanyang karakter, ayon sa mga komento. Swak na swak umano ang kanyang karakter sa seryeng ito kaya't hiling ng marami na sana'y mapanatili ang kasabikan ng mga manonood sa mga susunod pang kabanata.
"Support lang natin 'tong drama na 'to guys! Maraming mapupulot na aral, lalo na sa mga 'di pa nakabasa ng Noli Me Tangere. I believe na matuturuan din kayo nito ng Spanish. Nandito rin 'yung struggles na kinakaharap natin
Enhorabuena a todos que la hizo posible, los actores y actrices me encanta. <3"
"Hindi ko inexpect na ganung kalalim ang character ni Barbie!! Grabehhh!! Hopefully this show further solidifies her worth in the industry. She deserves our appreciation!! Pakahusay!!"

"Very strong pilot episode, I'm hooked! And ang husay ni Barbie. Yung shifting from comedy to drama, very effortless"
"Kudos to Maria Clara at Ibarra team. What a great take on a classic! Can't wait for episode 2!:
"First episode pa lang but it tackles a wide range of issues like domestic abuse, childhood trauma, poverty and the mundane experiences of every student. Kudos to Barbie Forteza, she is really a versatile (yet) underrated actress. This is promising! #MCIAngSimula."
"GMA really has good drama concepts. And Maria Clara at Ibarra is one of it. It's my first time watching an EP from a Pinoy drama w/o using my phone haha kinaya ng attention span ko. I hope they maintain the good storytelling though. Plus ang galing at natural umakting ni Barbie Forteza!"
"Barbie Forteza never disappoints, mapa-light scenes, comedy scenes at heavy drama scenes, on point ang acting. And she is about to conquer yet another genre. #MCIAngSimula."

"Maria Clara's (Klay) lines are very well delivered, tagos sa puso. Bracing for a roller coaster of gen z and historical surge of emotion."
Sabi naman ng isa pang netizen sa kanyang FB post:
"Thoughts nyo about GMA's new teleserye "Maria Clara at Ibarra"? For years, GMA creates unique and different themes in their series (not just the usual cat fights and agawan ng asawa). Marami dito ay ang mga seryeng Onanay, Legal wives, Kambal Karibal at iba pa. Ngayon gumawa sila ng historical fiction na sa tingin ko ay maganda. From the cast, the cinematography and the theme, it's quite surprisingly good!
Kayo? Ano tingin nyo dito?"
Panoorin ang bawat kabanata sa GMANetwork via YouTube:!
No comments:
Post a Comment