Napa-'sana all' ang mga naaliw na netizens sa isang post ng estudyante kaugnay sa kanyang class schedule na ginawan niya ng creative layout upang mas maayos itong makita.
Ayon sa isang Facebook post, na ibinahagi rin ng Pilipino Star Digital Ngayon, isang first year BS Accountancy student sa Laguna ang nag-flex ng creative layout ng kanyang class schedule. Ang higit na pumukaw sa atensyon ng netizens ay hindi gaano sa kanyang disenyo kundi sa 'Bebe Time' na inilagay niya sa mga oras na wala siyang klase.
"Sila: stressed na sa acads, schedule ko," saad ni Jamaica sa kaniyang Facebook post.

Umani ito ng mga nakatutuwang reaksyon na karamihan ay pakwela rin dahil ang dami niyang 'bebe time' sa kanyang schedule. Mayroon din namang masyadong sineryoso ang kanyang post at nangaral pa, Dahil freshman pa lang, magaan pa talaga ang schedule kaysa sa mga susunod na semesters o taon.
"Hello ano pong course and section mo? Lipat na po sana ako baka may bebe time rin eh."
"Ah first year pa lang pala kaya pala may bebe time pa."
"Sulitin mo na, sa higher year mo nyan wala na yan bebe time."
"Pag 1st yr talaga maraming time hahahaha ako nga puro lakwatsa time nun e or tulog time hahahhaa"
Mayroon ding ilan na nagbahagi ng kanilang schedules na super loaded at wala nang paglagyan ng 'bebe time.'

"Lubusin mo na kasi pag sa higher accounting iyak time na."
"Kapag inggit pikit ha di kayo makarelate wala kasi kaung mga bebe at wala kaung mabebe time han
malay nyo inspirasyon nya ung bebe time nya para pumasa ohaaaa 

Amen accountancy students...kau lang tlga malakas charaught"
"Hindi na to BSA next semester, mas marami pa ung bebe time eh hahaha charot lang. Baka matalino pala yan haha"
"Buti pa 'to may sub na bebetime. mag shift na talaga ako bhie."
"Luh, bakit wala kaming subject na bebe time???
"
Para sa kaalaman ng mga hindi nauunawaan 'yung 'bebe time', ito ay tumutukoy sa mga may lovelife o may 'jowa'.

Binigyang-linaw naman ni Jamaica na 'just for fun' lamang ang kanyang ginawang paglalagay ng 'Bebe Time sa mga bakanteng oras sa kanyang schedule ng mga klase o aktibidad.
Aniya, "tinulungan po ako ng bf ko na maaccess yung acc ko since wala po akong data as of now. Then siya na din po nagpakita ng class schedule ko and In-organize ko na po siya kaagad para mas maganda sa mata. Nakita ko po na madami pang bakante na boxes doon ko lang po naisipang isingit ang bebe time, for fun lang naman po."
Pakiusap niya sa comments section sa mga medyo below the belt nang banat, huwag naman daw seryosohin ang katuwaang layout niya. Tila naging judgmental na kasi ang dating ng iba at mayroon pang ginawa itong 'baby time.'
Good vibes lang po!
No comments:
Post a Comment