DavaoPlus

Monday, 3 October 2022

[New post] Eksena tuwing siesta: Napilitan ka rin bang matulog dahil sa magic stick ni Lola?

Site logo image Jerome Vitug posted: "Biro ng maraming matatanda ngayon, kung alam lang daw nilang magiging mailap ang tulog ngayong may edad na sila, sana raw ay sinulit na nila ito noong bata pa. Hindi na kasi bago sa maraming musmos noon ang takasan ang oras ng siesta o pagtulog sa tang" Definitely Filipino News

Eksena tuwing siesta: Napilitan ka rin bang matulog dahil sa magic stick ni Lola?

Jerome Vitug

Oct 3

Biro ng maraming matatanda ngayon, kung alam lang daw nilang magiging mailap ang tulog ngayong may edad na sila, sana raw ay sinulit na nila ito noong bata pa.

Hindi na kasi bago sa maraming musmos noon ang takasan ang oras ng siesta o pagtulog sa tanghali o hapon. Mas gusto ng maraming bata noon na maglaro kaysa magpahinga sa hapon. Dahil dito, napipilitan ang mga magulang at nakatatanda na ilabas ang isang mabisang 'instrumento' para 'makumbinsi' ang mga batang matulog: ang mahiwagang stick.

Nagbalik-tanaw ang maraming batang 60s-2000s sa madalas na eksena sa siesta. Sa Facebook page na Lahat 1900s, makikita sa larawan ang isang lola na may hawak na stick katabi ang mga apo niyang natutulog.

Wala mang masyadong paliwanag ang post, gets na agad ng mga netizen ang mensahe nito dahil halos lahat yata ay naranasan ito. Kapag inilabas na nina lola, lolo, nanay, at tatay ang kanilang mahiwagang stick, wala nang choice ang mga bata kung hindi mahiga at mag-siesta.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi rin ng Facebook page na Note. kung saan maraming netizen ang masayang nagbahagi ng kanilang alaala sa mahiwagang stick at pahirapang pagpapatulog noon sa hapon.

Kung may common word man sa comment sections ng mga post, ito ay ang salitang "relate."

Ayon sa ilang social media users, noon daw ay itinuturing nilang parusa ang pagpapatulog sa kanila sa hapon. Gayunman, ngayong matanda na sila ay napagtanto nila ang kahalagahan nito. Ngayong sila ay may sarili nang pamilya, nais din nilang makasanayan ng mga anak nila ang pagtulog sa hapon.

Pagmamalaki naman ng ilan, ang eksenang ito ay pagpapakita kung paano disiplinahin ng mga nakatatanda ang mga bata noon. Maigi raw na naibabahagi ito sa social media ngayon nang sa gayon ay maipakilala sa makabagong henerasyon.

Para naman sa ilang magulang, nananatili ang ganitong klase ng pagdidisiplina sa mga bata. Kahit naman daw makabago na ang panahon, maaari pa rin itong gawin dahil napakahalaga sa kalusugan ng mga bata ang sapat na oras ng pagtulog.

Ikaw, ano ang naaalala mo kapag nakikita mo ang mahiwagang stick ng iyong lola o nanay kapag oras ng siesta?


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/10/siesta-magic-stick-lola/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at October 03, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (22)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.