DavaoPlus

Monday, 31 October 2022

[New post] Keep the love alive: Lambingan nina Manny, Jinkee Pacquiao kinakikiligan sa TikTok

Site logo image Joyce Sazon posted: "Sa gitna ng mga pagsubok sa mundo, mga intriga at kontrobeysiya sa showbiz man o politika, nakapagpapasaya sa mga netizens ang makabalita ng masasaya at sweet na pangyayari. Imbes na mga hiwalayan at kaliwaan, mas ninanais siyempre ng karamihan na ang " Definitely Filipino News

Keep the love alive: Lambingan nina Manny, Jinkee Pacquiao kinakikiligan sa TikTok

Joyce Sazon

Oct 31

Sa gitna ng mga pagsubok sa mundo, mga intriga at kontrobeysiya sa showbiz man o politika, nakapagpapasaya sa mga netizens ang makabalita ng masasaya at sweet na pangyayari.

Imbes na mga hiwalayan at kaliwaan, mas ninanais siyempre ng karamihan na ang mundo ay mapuno ng pag-ibig at pagkakaisa, pagtutulungan at good vibes lang.

Kaya naman hindi nakapagtatakang humakot ng pansin at naghatid ng kilig ang ilang videos sa TikTok kung saan ay ibinahagi ni "Roize Royal" (@roize1318) ang mga videos ng lambingan at sweet moments ng sikat na couple na sina Senador Manny Pacquiao at ng asawa nitong si Jinkee Pacquiao.

Tulad ng mga longtime couples sa showbiz na hinangaan ng publiko dahil sa matibay na pagsasama, umaasa ang marami na ganoon din ang patutunguhan ng Pambansang kamao at ng kanyang maybahay na mahigit dalawang dekada nang kasal.

Sa TikTok video na umani na ng mahigit 4.1 million views at halos 209K likes ay mapapanood ang mag-asawa na may candid moments. Tila may binubulong si Sen. Manny habang nakangiti sa asawa na busy naman sa pag-scroll sa kanyang cellphone.

May background music pang "Kiss Me" ah.  Napahalik tuloy si Jinkee sa kanyang mister.

Sa isa pang video ay mapapanood naman silang nagsasayaw sa saliw ng Always Remember Us This Way ni Lady Gaga.  Tila nasa isang hotel sila na may live band at may mga kasama sila.

May 2.1 million plus namang views ang video kung saan ay makikitang tila nag-eensayo sa boksing si Manny at humingi pa ng pampaganang halik mula sa kanyang asawa. Naroon din si Dyan Castillejo na sports reporter at dating tennis player.

Bumuhos ang reaksiyon at mga komento ng mga netizens na natutuwa sa kanilang sweetness:

"Dapat ganyan, habang nagkaka edad lalong nagmamahalan."

"Sana all… sana makatagpo rin ako ng lalaking ganito."

"Ang sweet ni PacMan, ang ganda ni Jinkee!" at may nagpahabol pa ng "True love exists."

"Mga tinginang gigil ah hahaha. Baka Manny 'yan."

May nag-joke din sa sofa video na tila may binubulong si senador sa butihing misis.

"Manny: Anong gusto mong bagong bag jinkee."  LOL

Ang 43-anyos na celebrity at icon sa larangan ng boksing ay ikinasal kay Jinkee taong 199 at may lima silang anak, sina Emmanuel 'Jimuel' Jr, Michael, Mary Divine Grace, Israel, at Queen Elizabeth.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/10/manny-jinkee-pacquiao/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at October 31, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2025 (26)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.