Inamin ni Kiray Celis na hanggang high school lamang ang natapos niya dahil gusto niyang magbigay-daan sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Sa panayam ni Ogie Diaz kay Kiray, aniya ay huminto siya noon sa pag-aaral dahil bukod sa hindi niya kinaya ang homeschooling ay inuna niyang pag-aralin ang mga kapatid. Paniwala kasi ni Kiray, kaya niya namang pag-aralin ang sarili kapag maayos na ang lagay ng kaniyang pamilya.
"Magka-college na lang ako kapag stable na talaga. Ngayon po kasi parang kailangan pa ako ng family ko… Kaya ko naman pong balikan yun eh. Sabi ko nga po kay mama, pag may pera na ko, pag okay na kayo, kaya ko namang mag-aral. Ako na magpapaaral sa sarili ko," ani Kiray.
"At saka inuna ko rin muna po yung mga kapatid ko munang pagpatapusin. Kasi sa isip ko po, ako lang po yung makakapagpaaral sa mga kapatid ko sa private so tinapos ko muna po sila bago ako."
Bukod dito ay gusto niya ring bigyan ng komportableng buhay ang kaniyang mga magulang lalo na at hindi na bumabata ang mga ito.
"Inuna ko lang po yung family ko ngayon kasi lalo na yung mama't papa ko, hindi naman na pabata. Ang mindset ko po ngayon, kung ano pong kaya kong ibigay sa kanila, binibigay ko na lahat para maranasan na nila yun. Kasi masyado na rin pong late yung sarap nila sa buhay ngayon e. Kasi parang ngayon ko lang po naibigay kaya sinasagad-sagad ko na po. Kasi senior na yung papa ko tas mama ko malapit nang mag-senior."
Matatandaang kamakailan lamang ay niregaluhan ni Kiray ang kaniyang ina ng paupahang bahay.
Tuwing nagdiriwang ng kanilang kaarawan ang kaniyang mga magulang ay binibigyan din sila ng Kiray ng perang katumabas ng kanilang edad. Niayon taon ay niregaluhan niya ng P63k ang 63 anyos na ama at P57k naman sa 57 anyos na ina.
"Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cale sa inyo every birthday niyo ni mama, okay lang. Sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo," ani Kiray.
No comments:
Post a Comment