DavaoPlus

Tuesday, 25 October 2022

[New post] Mga batang nag-uulam ng tuyo sa eskwela, nakatanggap ng blessings mula sa mga good Samaritans

Site logo image Yuna posted: "Kamakailan ay nag-viral ang mga estudyante na masasayang kumakain kahit ang kanilang ulam ay bulad (Tuyo) lamang. Sa baso pa nakalagay ang baong kanin ng isa sa kanila. Naantig ang puso ng mga netizens nang makita ang mga bata. Ang mga mag-aaral ay sin" Definitely Filipino News

Mga batang nag-uulam ng tuyo sa eskwela, nakatanggap ng blessings mula sa mga good Samaritans

Yuna

Oct 25

Kamakailan ay nag-viral ang mga estudyante na masasayang kumakain kahit ang kanilang ulam ay bulad (Tuyo) lamang. Sa baso pa nakalagay ang baong kanin ng isa sa kanila. Naantig ang puso ng mga netizens nang makita ang mga bata.

Ang mga mag-aaral ay sina Jielord at Juvanie sa viral video na in-upload ng kanilang guro na si Chris Jan Emperado Narciso sa kanyang TikTok account.

Ilang araw matapos mag-trending online ay nakatanggap ang mag-aaral ng mga grocery at food packs mula sa mga good samaritans.

"Sa Isang kisap-mata naabot ang pinapangarap. Walang katapusang pasasalamat sa pa-Jollibee mga fersons. Naging jolly po ang araw ng aming mga minamahal na estudyante. Napaka-aga po Ng inyong Pamasko. Busog much ang mga bata. Sana ang kanilang ngiti at kasiyahan ay sapat ng maging sukli sa lahat ng inyong mga tulong," saad ng guro sa kanyang FB post at lubos ang pasasalamat.

Hindi lamang grocery at food package ang naibigay sa kanila kundi isang meal ng Jollibee. Makikita sa video ang kasiyahan sa mukha ng mga estudyante.

Kahit mahirap ang buhay sa panahong ito ay may handa pa ring tumulong at magbigay sa mga nangangailangan nang walang hinihinging kapalit kundi ang masayang ngiti lamang ng mga bata.

Sa bagong post ng guro ay may paparating na namang blessing para sa mag-aaral, "Lunch boxes, water tumblers , Set of uniforms, shoes, jogging pants for all my Grade 2 learners soon."

Bumuhos ang mga papuring natanggap ng guro at pati sa mga batang patuloy na nagsisipag mag-aral kahit ang ulam lamang ay tuyo.

"Nakakaiyak sila tignan pero nakita ko kahit ganyan lang ulam nila ang ngiti ng bata ang sarap tignan."

"Saan yan sir? magpafeeding program ako para regalo ko sa kanila sa bday ko tapos bigyan ko konting gaming or toys."

"Minsan nagrereklamo ako sa buhay ko without realizing na meron pang madami tao na mas hirap sa buhay.. salamat sa vid na to"

"I'm really happy for them.. thank you for those good Samaritan who made them taste the sweet life once"

"Ang bait mo naman sir sana maraming pang teacher na katulad mo"

"Maraming salamat po sir sa pagiging instrument ni Lord para makatulong sa mga bata."

"Makita mo 'yung ngiti ng mga bata sobrang saya nila, sa mga ginintuang puso c lord na bahalang magbalik sa inyo....GODBLESS PO"


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/10/batang-nag-uulam-tuyo-blessings/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at October 25, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (24)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.