Naging usap-usapan sa social media kamakailan ang diumano'y pagiging matumal sa bentahan ng isang sikat na online selling platform nitong nakaraang 10.10 sales (October 10).
May mga kumalat pa ngang screenshots ng mga posts ng mga seller na naglalabas ng hinaing dahil nga sa hina ng benta nila sa nasabing petsa na karaniwang dinudumog ng mga parukyano.

Imahe mula sa Facebook
Maraming netizens ang sinisisi ang matumal na sales sa pagkuha ng online selling platform kay Toni Gonzaga bilang pinakabagong endorser nito.
Ganito rin ang paniniwala ni Ogie Diaz na tinalakay nga ang nabanggit na isyu sa kanilang You Tube vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
"Actually Loi… talagang nakaapekto nang malaki 'yung pag-e-endorse ni Toni… Prangkahan na ito. Sa lahat ng nababasa natin, sa dami ng nababasa natin, puro ang turo ng daliri ay kay Toni," ani Mama Ogie.

Screenshot mula sa You Tube
"Samantalang si Toni Gonzaga ay wala naman diyan. Hindi naman niya kasalanan kung siya ay kinuha ng Shopee, ginawang endorser," dagdag pa nito.
Maaaring may kinalaman din umano ang pagiging 'conscious' na ngayon ng mga tao sa mga nage-endorse ng anumang platform na kanilang tatangkilikin.
Kapansin-pansin din umano ang biglang pagkawala ng larawan at mukha ni Toni sa cover page ng Shopee website at maging sa kanilang Facebook page.

Imahe mula sa Facebook
Subalit mukhang hindi naman umano apektado nito ang kampo ng sikat na dating Kapamilya singer-actress.
"Ganunpaman Loi, siyempre in fairness to Toni, siya ay nagpapasalamat na siya ang kinuhang endorser, tapos na-curious daw lalo 'yung mga tao sa Shopee, maraming tumangkilik sa Shopee… so 'yun naman ang sa side ni Toni," bahagi pa ng talent manager.
Maliban dito, may nababalitaan umano sila na mas malakas ngayon ang Lazada, ang karibal na shopping platform ng Shopee.
"At the end of the day talaga, ano… nasa consumer talaga ang kapangyarihan. We have the power," dagdag pa ni Mama Loi na sinang-ayunan naman ni Ogie.
Panoorin ang kanilang talakayan sa You Tube channel ni Ogie:
No comments:
Post a Comment