[New post] Tech Voc IRL: Transitioning from School to Work
Soc Dev Editor posted: " How does it feel to transition from school to work in tech voc? Bilang students, isa sa mga bagay na nilo-look forward natin ay essentially ang pagtatapos ng pag-aaral natin, na susundan naman ng pag-build natin ng ating careers right after. Pero kahi" Edukasyon.ph
How does it feel to transition from school to work in tech voc?
Bilang students, isa sa mga bagay na nilo-look forward natin ay essentially ang pagtatapos ng pag-aaral natin, na susundan naman ng pag-build natin ng ating careers right after. Pero kahit na marami sa atin ang excited sa pag-transition mula sa pag-aaral papunta sa pagtatrabaho, mayroon pa ring mga takot at anxieties na maaaring bumagabag sa atin. Will I be enough? Ready na ba talaga ako mag-work? Kaya ko bang ipakita ang mga skills na natutunan ko? The questions just keep on coming!
So, para tulungan tayo na i-manage ang mga nararamdaman natin, kinausap namin sina Shyra Estoya at Crichelle Garcia para marinig ang stories nila kung paano nila na-manage 'yong transition from nila school to work. At hindi lang 'yon, pinakinggan din namin kung paano sila naka-receive ng tulong mula sa iba't ibang tao para maging ready sila na harapin ang "real world." Ito ang sabi nila!
Tapang at tiwala sa sarili ang susi
Asian technician or turner girl use the screw machine to drill the product in the workplace.
Parehong sina Shyra at Crichelle ay nag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Industrial Operations and Management (BS IOM) sa FIRST Collegein Santo Tomas, Batangas. Ang FIRST College ang kauna-unahang Higher Education Institution na nag-offer ng BS IOM isa bansa. Pero, bago sila pumasok sa kursong BS IOM, pareho silang nasa Tech Voc Track. Si Crichelle ay kumuha ng Electronic Products Assembly And Servicing NC II certification, habang si Shyra naman Electrical Installation And Maintenance NC II certification ang kinuha. Sa SHS Track pa lang na pinili nila, hinarap na nila ang pagsubok na baklasin ang gender norms dahil madalas tignan na "panlalaki" ang napili nilang track dahil sa pagiging teknikal at labor-intensive nito. Tulad ng ibang humamon sa gender roles, naranasan din nila na mahusgahan mismo ng kanilang mga kamag-anak.
"May time na jina-judge na ako ng sarili kong kamag-anak. Sabi nila: 'Kababae mong tao, 'yan ang course na pipiliin mo, anong alam mo diyan?'," kwento ni Shyra. "Hindi ko in-expect na sa kanila pa manggagaling 'yong judgment."
Sa kabila ng iba't ibang challenges at problems, payo ni Shyra na pwedeng gamitin ang mga ito para paghugutan ng lakas para tayo'y maging matapang at magkaroon ng tiwala sa ating mga sarili.
"Gawin mong lakas 'yong mga nanghuhusga sa'yo kasi, kung patuloy mo silang gagawing lakas, mas lalo pang marami kang maa-achieve at matutupad," sabi ni Shyra.
Kilalanin ang iyong 'support system'
Studio portrait of cheerful young Asian friends laughing and looking at camera
Isa rin sa mga nakatulong kina Crichelle at Shyra ay ang pagkilala nila sa kanilang "support system." Ang support system nila ay ang mga taong nakapaligid sa kanila na handang magbigay ng suporta, gabay, at tulong sa kanila sa panahon kung kailan nila ito kailangan.
Para kay Crichelle, ang kanyang mga kaibigan ang tumayo bilang support system nya. Sila ang nag-push kay Crichelle na maniwala sa kanyang sarili at ipagpatuloy lang ang kanyang nasimulan sa pag-aaral.
"Nararamdaman ko yung suporta nila sa pagmo-motivate nila… 'yong pagsabi nila ng 'kaya mo 'yan, eh 'yon lang makapasok at makahabol sa school year nila [bilang isang late enrollee] nakaya mo 'di ba?' — 'Yon po 'yong lagi nilang sinasabi sa akin — na kaya ko raw. Ako naman, dahil namomotivate ako, ginagawa ko 'yong best ko, since kaya ko sabi nila," kwento ni Crichelle.
"Kung alam nilang kaya ko, mas alam kong kayang-kaya ko."
May tulong din mula sa school
Waist up portrait of young Asian businesswoman talking to partner while discussing work project in modern office
Last but not the least, maaaring makatulong din ang ating mga paaralan pati na ang mga teachers o instructors natin, lalo na't sila rin ay naka-experience ng transition from school to work. Sa naging experience nina Shyra at Crichelle, malaking tulong ang natanggap nila mula sa FIRST College, lalo na noong nagsimula ang banta ng COVID-19. Ayon kay Shyra, nagkaroon sila ng access sa mga gadgets at constant din ang communication nila sa mismong school upang i-check ang kanilang kalagayan.
Para naman sa kanyang mga teachers, malaking tulong din sila para sa kanya dahil hindi sila tumitigil na gabayan ang mga estudyanteng tulad ni Shyra. Kapag daw sila ay nahihirapan, matiyaga silang tinuturuan at ginagabayan ng kanilang mga instructors hanggang sa makuha nila ang tamang gawin. Hindi natatapos doon ang kanilang tulong dahil kahit sa panahon ng kalamidad, nandoon pa rin sila para mag-abot ng ayuda at siguruhin ang maayos na kalagayan ng kanilang mga estudyante.
"May time noong in-evacuate kami dahil sa Taal Volcano eruption, yung FIRST College dinalhan nila kami ng pagkain, damit, at sabon sa evacuation center. Pinagluto nila kami ng pagkain — tulong tulong po sila para makatulong — mga relief goods, kahit po sa simpleng chat ko lang po sa kanila, talagang gumawa ng aksyon agad yung school. Talagang nagkalaman po 'yong tyan po namin," sabi ni Shyra.
Bilang mga estudyante, marami tayong madadaanan lalo na 'pag nag-transition na tayo mula school papuntang work. Mula sa mga technical skills hanggang sa personal development, maraming challenges ang maaari nating makaharap. At the end of the day, ang mahalaga ay matuto tayong lumaban para sa ating mga pangarap at kinabukasan!
No comments:
Post a Comment