[New post] 3 Ways to Be Assertive in Escalating and Potentially Harmful Situations
Soc Dev Editor posted: " How to Be Assertive in a Life-Threatening Situation Content Warning: This article contains mentions of violence and abuse. Kapag tayo ay nasa panganib, maraming tumatakbo sa ating isipan. Napapaisip tayo sa mga posible pang mangyari, ino-overthink " Edukasyon.ph
How to Be Assertive in a Life-Threatening Situation
Content Warning: This article contains mentions of violence and abuse.
Kapag tayo ay nasa panganib, maraming tumatakbo sa ating isipan. Napapaisip tayo sa mga posible pang mangyari, ino-overthink natin ang mga galaw natin, at nanlalamig tayo sa takot. O kaya ay sumasabay tayo adrenaline at ginagawa natin ang lahat para lang makaalis sa sitwasyon.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi na natin naiisip ng malinaw ang diskarte na p'wede nating gamitin dahil nasa alanganin na tayong sitwasyon. Nabibigla tayo dahil hindi natin ito inaasahang mangyari sa'tin.
Kaya, ano nga bang gagawin mo kapag nararamdaman mo nang lumalala ang sitwasyon at maaari na itong maging mapanganib? Maging assertive tayo! Ayon sa No Means No Worldwide, "Assertiveness means to be clear, confident, and direct. Assertiveness has two parts: knowing what we need or want to happen and communicating it clearly." Ito ang tatlong paraan para ipakita 'yan!
1. Gawing malinaw ang mga kailangan o gusto mo
Ang pagiging assertive ay ang pagpapakita ng respeto sa sarili at paninindigan sa iyong mga interes. Kaya sa ano mang conflict na mangyari, tanungin mo ang sarili mo, "Ano ang gusto ko? At ano ang aking pangangailangan?" Ito ang bahagi kung saan kailangan mong isipin ang mga personal boundaries at limitasyon mo bilang isang tao.
Maaring nagmumukhang makasarili ito pero marapat lang na hayaan mo ang iyong sarili na magkaroon ng limitasyon pagdating sa pakikipag-ugnayan sa iba. Hindi lahat ay nakikisalamuha sa parehong paraan kaya importanteng malaman kung saan ang limitasyon mo sa pakikipag-ugnayan. Dito pumapasok ang "consent" kung saan kailangang tanungin ka ng iba kung sumasang-ayon ka ba o kumportable ka sa isang partikular na aksyon, interaksyon, o sitwasyon.
Kapag alam mo na ang damdamin mo, ang sunod mong dapat gawin ay sabihin ito ng malakas at huwag panatilihing nasa isip lamang. Ang kailangan mo dito ay lakas ng loob at tiwala sa sarili upang maunaawaan ang iyong punto. Gawin itong malinaw, matatag, at direkta hangga't maaari. Iwasang gumamit ng "filler words", paghingi ng paumanhin, o magpaikot-ikot pa. Naangkop ito sa ano mang problema o conflict lalo na sa mapanganib na sitwasyon. Ang pagiging assertive tungkol sa mga kailangan at gusto mo ay isang paraan para madali kang maunawaan at seryosohin ng ibang tao.
Gayunpaman, kahit anong paraan mo ipahayag ang iyong damdamin, ang iyong boses ay dapat igalang at respetuhin palagi.
2. Magsalita ng matatag at mahinahon
Hindi lahat tungkol sa sinasabi mo. Importante rin kung paano mo ito sinasabi! Sa pagkakaroon ng sariling disposisyon sa mga bagay, kaya mong ipahayag ng buo at matatag ang iyong nararamdaman. Naiintindihan mo na ang iyong sarili, kailangan na lang itong maintindihan ng iba.
Ang pagiging assertive ay ang pagkakaroon ng lakas at kumpyansang makipag-ugnayan sa iyong sarili. Ang kumpyansang ito ay nagmumula sa pagtitiwala sa iyong sarili na nagiging basehan ng pagiging assertive. Sa huli, lahat tayo ay dapat tratuhin ng may respeto at dignidad, kaya bakit mo ito ipagkakait sa iyong sarili?
Ang pag-unawa sa ating mga pangangailangan ay isang piraso lamang ng suliranin. Kailangan nating manindigan sa ating mga karapatan at protektahan ang ating mga hangganan nang may matatag na boses, na walang puwang para sa pagtatanong o pagtatalo. Kapag nahihiya tayong sabihin ang ating mga pangangailangan at kagustuhan, maaring balewalain ng iba ang iyong posisyon sa mga bagay. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating bantayan ang ating mga sarili, ikontrol ang ating mga emosyon, at magsalita nang mahinahon, neutral, at malakas. Iba ito sa pagiging passive kung saan maaari kang ma-dismiss, o sa pagiging aggressive kung saan maaari itong umani ng masamang reaksyon. Kakailanganin mong maging matatag pero hindi mapilit, mahinahon pero hindi mapagpanggap.
Sa Violence Prevention Curriculum ng No Means No Worldwide, mayroong pagkakaiba ang weak "no" at ang strong "no". Kung sasabihin natin ang isang weak "no," maaaring hindi ito igalang at magmumukhang hindi tayo seryoso. Samantala, kung sasabihin natin ang isang strong "no," magiging malinaw ang ating nararamdaman at maipapakita talaga na seryoso tayo dito.
Tandaan: Ang "huwag" o "no" ay nangangahulugang ng "huwag" sa kahit ano mang paraan sabihin o ihatid ito at kahit na hindi ito direktang binanggit. Kung hindi nirerespeto ang iyong "huwag," ito ay isang senyales o babala na maaaring sila ay mapanganib.
3. Gumamit ng body language at eye contact
Ang mga communication strategy ay hindi lamang nanggagaling sa pagsasalita. Ang paraan ng pisikal na pagkilos at pagdadala ng iyong sarili ay isa ring tanda ng iyong posisyon sa mga bagay-bagay. Sabi nila, actions speak louder than words. Kaya kailangan nating magpakita ng assertiveness kahit sa ating katawan.
Ang body language ay isang di-berbal at pisikal na komunikasyon. Habang pinapaalam mo sa isang tao ang iyong boundaries sa berbal na paraan, ito ay ipinapares sa body language. Maaaring itong ipakita sa mga ekspresyon sa mukha, postura ng katawan, kilos, galaw ng mata, hawak (touch), at paggamit ng espasyo. Maraming paraan para gawin ito ngunit ang mahalaga ay dapat tumugma ang iyong sinasabi sa pisikal na hitsura mo. Kung tutuusin, hindi ka nga naman ngumingiti o tumatawa kung sasabihin mo sa isang tao na "umatras!"
Para ipakita ang assertiveness, magkaroon ka ng seryosong/neutral expression sa mukha, tumayo ng maayos, at itaas ang iyong baba–ang posturang ito ay nagpapakita ng confience na tumutugma sa matatag na mga salita. Ipares din ito sa direktang eye contact upang ipaalam sa kanila na seryoso ka. Maaari ka ring umatras upang maglagay ng puwang sa inyong dalawa o itaas ang iyong kamay sa isang stop gesture upang magbigay ng visual representation ng iyong personal boundaries. Kung lumala ang sitwasyon, mayroon ding mga physical self-defense na diskarte na p'wedeng gamitin para makatakas.
Tandaan: Kahit maging epektibo ang assertive na "no" sa mga sitwasyon, hindi ito palaging gumagana sa isang attacker at maaari nilang ituloy pa rin ang pag-atake. Kapag nangyari ito, maaari mong gamitin ang mga physical self-defense para makatakas dahil ito ang magiging pinakamahusay o tanging pagpipilian kapag ang verbal na kilos ay hindi iginagalang.
Edukasyon.ph and No means No Worldwide is dedicated to offering a secure environment for everyone. If you are experiencing sexual and gender-based violence in the home, school, or workplace, please dial 911 emergency hotline immediately. The Commission on Human Rights (CHR) has also launched an online system where people can report incidents of GBV.
No comments:
Post a Comment