Aminado ang aktres na si Cherry Pie Pichache na nagiging mapili na siya sa mga tatanggaping roles—ngunit may dahilan naman daw ang seasoned actress.
Sa ulat ng PUSH, inisa-isa ang mga nagiging konsiderasyon ng aktres sa mga nagiging pelikula niya.
"Sa akin first and foremost, I'm an actor and it is my job and my craft calls for it for me to be able to portray different roles. Actually, isa 'yon sa pinakamasaya sa trabaho ko, na makapag-portray ako ng mga role," wika niya.
"Ang unang-unang konsiderasyon ko sa pagtanggap ng project is 'yong script at kung sino-sinong mga makakatrabaho ko. Sa edad ko ngayon, I would like to believe na gusto kong gumawa ng pelikula na hindi lang nakakapag-entertain but they will also want to be able to inspire, to get equal view, to encourage. 'Yon ang mga malalaking kondirerasyon ko sa pagtanggap ko ngayon," pagpapatuloy ng beteranang artista.
Sa katunayan, ngayon pa lamang ulit gagawa ng pelikula ang aktres na bida sa pelikulang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan.
"As an artist dumarating tayo sa punto na talagang…lalo na nanay na ako and I also have to take care of my son, unang-una, maraming proyekto na magaganda na ginagawa sa telebisyon, so medyo do'n na ako na-busy," saad niya.
"Sa pelikula, siguro dumating sa punto na namimili na ako, to make the film that's really worth my time as an artist. At sa dami na nga at sa tagal ko na rin sa industriya bilang aktres, gusto ko ng isang role na talagang makabuluhan," wika pa ni Cherry Pie.
Matatandaang critically-acclaimed ang huling pelikula niya na Pauwi Na.
Samantala, excited na rin daw ang aktres na makatrabaho muli si Direk Joel, "Alam n'yo ba, ang kauna-unahang award ko ay binigay ni Direk Joel sa isang movie for TV long time ago na 'yon. Kaya masaya ako na muli kaming magkaka-work."
No comments:
Post a Comment