DavaoPlus

Thursday, 3 November 2022

[New post] Debbie Garcia sinampahan na si Barbie Imperial ng patong-patong na reklamo

Site logo image Ronaldo Estur posted: "Nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo ang sexy actress na si Barbie Imperial dahil sa isinampa laban sa kaniya ni Debbie Garcia. Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang diumano'y engkuwentro ng dalawang aktres na nangyari sa loob ng Tipsy" Definitely Filipino News

Debbie Garcia sinampahan na si Barbie Imperial ng patong-patong na reklamo

Ronaldo Estur

Nov 3

Nahaharap ngayon sa patong-patong na reklamo ang sexy actress na si Barbie Imperial dahil sa isinampa laban sa kaniya ni Debbie Garcia.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang diumano'y engkuwentro ng dalawang aktres na nangyari sa loob ng Tipsy Pig Gastropub sa may Timog Avenue, Quezon City, madaling-araw noong nakaraang Biyernes, Oktubre 28.

Imahe mula sa Facebook

Ayon sa lumabas na ulat, tatlong reklamo ang isinampa ni Debbie na kinabibilangan ng slight physical injuries, grave oral defamation at grave slander laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor's Office noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 2.

Nahagip pa ng CCTV ng bar ang diumano'y komprontasyon ng dalawa na nagsimula nang magpaalam si Debbie sa kaniyang grupo na aalis na siya. Ito raw ay nauwi sa murahan, sigawan at sakitan na natigil lamang nang may mamagitang ilang lalaki sa bar.

Hindi naman matukoy pa kung ano ang naging ugat ng alitan ng dalawang aktres subalit marami ang naniniwalang ito ay may kinalaman kay Diego Loyzaga.

Si Diego ang dating boyfriend ni Barbie at isa umano sa kaniyang pinagseselosan noon ay si Debbie. Nalaman raw ni Barbie na minsan ay  nakipag-date si Debbie kay Diego noong magkarelasyon pa sila.

BASAHIN: Dahil kay Diego? Barbie Imperial, Debbie Garcia nagkasakitan umano sa isang bar sa QC

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Viva Artists Agency (VAA) para suportahan ang kanilang talent na si Debbie kaugnay nga sa  insidente at reklamong isinampa ng aktres.

Screenshot mula sa Instagram

"VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City. Debbie is set to lodge a complaint against the other person with the assistance of her counsel on November 2, 2022 (Wednesday)," ayon sa pahayag ng Viva.

Bagama't hindi pinangalanan ng Viva si Barbie sa kanilang pahayag, naniniwala umano ito na ang kanilang talent (Debbie) ang naagrabiyado sa insidente.

Imahe mula sa Facebook

Nakiusap din ang Viva sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng video ng insidente hangga't hindi pa nareresolba ang isyu.

Hanggang nitong Huwebes, Nobyembre 3, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang kampo naman ni Barbie Imperial para sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/11/debbie-garcia-s-barbie-imperial-reklamo/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at November 03, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (22)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.