Habang palapit nang palapit ang araw ng Pasko, tumataas ang excitement level ng mga tao. Maraming nag-aabang ng pamaskong grocery packs ng kompanya para sa mga empleyado; may kasama pang hamon kapag sinusuwerte. At siyempre, ang inaabangan ng marami bagama't hindi lahat ay nagkakaroon -- ang 13th month pay.
Nag-viral at ibinahagi ng maraming social media pages ang isang larawan kaugnay sa nakaiinggit na halagang matatanggap ng mga qualified na empleyado.
Ayon sa post ng Pepeng Pinakamalupet Facebook page, "kahit walang 13 month pay, laban ako (emojis) (c) Kyah Rus Sel".
Kinaaliwan ito ng netizens at talaga namang humakot ng atensyon. May mahigit nang 22K reactions, 2,200 na komento at shared na ng mahigit 10K online users. Ang lupit ng hatak ano?
Sino ba naman ang hindi mamamangha sa dami ng tanso at sa kalalabasan nitong halaga? Lalo na kung alam mo kung magkano por kilo ang bilihan nito?
Sa ibinahaging post naman ng Matzkytv vlog ay may larawan ng may 'computation' na ng tansong nalikom. Saad nito sa caption, "Ako me ari ng junkshop."
Sa P320/kilo x 170 kgs ay may total umano itong P54,000. (Paunawa: Hindi po yan ang totoong presyo, pakwela lang nila.)
"Di na pala need magbenta ng kidney para sa iphone pwede pala to," pabirong saad naman ng isang netizen dito.
May mga nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa pagbebenta at nagsabing 400-430 per kilo ang Class A na tanso. Wow!
Sa Pilipino Star Ngayon Digital naman ay sinabi umano ni Russel, ang orihinal na nagbahagi ng larawan, na naipon nila ang tanso dahil isang electrician ang kanyang ama. Mahigit anim na taon na pala!
"Matagal na po namen naipon to simula 2016. Hindi lang po namen binebenta sa junkshop kasi electrician po ang erpat ko."
Maraming netizens ang naaliw, nainggit at may mga napabalik-tanaw din naman sa sarili nilang karanasan na naging pantawid nila ang mga tansong naipon at naibenta.
"Naàlala ko eto dati pantawid ng tuition ko. Naiiyak ako dati pag nagbebenta na si Papa."
"Nakakamiss maging bata, source of income ko rin to dati ehh!"
Maligayang Pasko sa inyo!
No comments:
Post a Comment