Para kay Kiray Celis, itinuturing niyang 'secret admirers' ang kaniyang mga bashers na laging nakasubaybay sa kaniyang mga kilos sa social media.
Sa podcast na "Updated with Nelson Canlas", nakapanayam ang child star kung saan napag-usapan nila kung ano ang masasabi niya sa mga netizens na nag-iwan ng negatibong komento tungkol sa kaniyang 'pagpapaseksi' noon.
"Mga secret admirers ang tawag ko sa kanila. Kasi they are updated, the more na pinapansin nila picture ko mas kinikilig po ako," kuwento ni Kiray.
"Wala namang mangyayari kung papatulan kita. Lalo na 'pag inisip ko na parang hindi naman ako magkakapera sa'yo so bakit kita papatulan?" patuloy pa nito.
Hindi rin umano siya naiinis sa mga bashers dahil andaming oras ng mga ito para magkomento lamang sa kaniyang mga larawang ibinabahagi sa socmed.
Hindi rin umano siya ang tipo ng negatibong tao para patulan ang lahat ng pumapansin sa kaniya.
Subalit may hangganan din daw ang kaniyang pasensiya lalo na kapag idinamay na ang kaniyang pamilya, ayon ka kay Kiray.
Sa tanong naman na kung ano ang natutunan niya sa showbiz sa loob ng 25 taon niya sa industriya, simple lang ang sagot ni Kiray: "To stay humble all the time".
"I think No. 1 talaga, aside sa talent… kasi ang daming talented na Pilipino, pero ang nagpapa-stay sa akin talaga is 'yung attitude talaga as a person," dagdag pa ng aktres.
Ikinuwento rin ni Kiray kung ano ang totoong nangyari sa kanilang 'away' daw noon ni Mystica.
Aniya, isang 'misunderstanding' lamang 'yun dahil na-homesick talaga si Mystica at ayaw siya nitong makasama sa kuwarto sapagkat gusto raw nito ng privacy.
Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan, wala rin daw siyang sama ng loob ky Mystica, paglilinaw pa ni Kiray.
I-clikc ang imahe sa ibaba upang mapakinggan ang buong panayam sa kanya sa 'Updated with Nelson Canlas'.
No comments:
Post a Comment