Mistulang handa na si Maxene Magalona para buksan ang bagong pahina sa kaniyang buhay matapos itong umalis sa bahay na tinitirhan nila ng dating mister na si Rob Mananquil.
Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ng aktres na umalis na siya sa kanilang bahay at lumipat na sa sariling apartment.
"Finally moved out of my marital home and into my own apartment," ani Maxene sa kaniyang post.
Screenshot mula sa Instagram
Nagpasalamat din ito sa lahat ng tumulong sa kaniya para maayos ang paghahakot ng kaniyang mga gamit. Ipinakita pa nga niya sa kalakip na video ang pag-iimpake ng kaniyang mga gamit at paglilipat-bahay.
Aniya, "I am forever grateful for the beautiful energy we created and shared together. We played and sang our hearts out to sad love songs while packing my things and then enjoyed a meal of plant-based burgers…"
Nitong Oktubre 14, kinumpirma ni Maxene ang paghihiwalay nila ni Rob matapos ang halos apat na taong pagsasama sa iisang bubong.
Screenshot mula sa Instagram
Nagbahagi rin ang aktres ng ilang makahulugang post sa Instagram tungkol sa muling pagiging 'single' umano at sa hindi pagkakaroon ng anak at sariling pamilya.
"Move on, move out and move forward. When something "negative" is happening in your life, approach the situation with love and kindness. God is with you every step of the way," wika pa ni Maxene.
Ang estranged couple ay ikinasal sa Boracay taong 2018.
Bagama't ilang buwan na rin ang ispekulasyon hinggil sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon pa, nakita pa ring dumalo sa New Year's party ng pamilya ni Rob si Maxene noong Enero.
Nilinaw rin ng aktres na kahit hiwalay na siya sa kaniyang mister, patuloy naman umanong maayos ang relasyon niya sa pamilya ng huli.
Himok pa ni Maxene sa kaniyang pinakahuling post sa Instagram, "To my fellow single ladies and gents out there, let's get moving!"
BASAHIN: Maxene Magalona tells fellow single souls, divorcees: 'Your relationship status does not define you'
No comments:
Post a Comment