DavaoPlus

Friday, 4 November 2022

[New post] Nasaan si ‘Darna’? Angel hinahanap na ng mga netizens; tatlong buwang walang update sa socmed

Site logo image Ronaldo Estur posted: "Sari-saring ispekulasyon ang umusbong dahil sa tila biglang 'pagkawala' ni Angel Locsin na halos tatlong buwan na ring walang update sa kaniyang social media accounts. Magugunitang noong Hunyo pa tumulak patungong Spain si Angel kasama ang kaniyang mis" Definitely Filipino News

Nasaan si 'Darna'? Angel hinahanap na ng mga netizens; tatlong buwang walang update sa socmed

Ronaldo Estur

Nov 4

Sari-saring ispekulasyon ang umusbong dahil sa tila biglang 'pagkawala' ni Angel Locsin na halos tatlong buwan na ring walang update sa kaniyang social media accounts.

Magugunitang noong Hunyo pa tumulak patungong Spain si Angel kasama ang kaniyang mister na si Neil Arce para magbakasyon doon.

Ang pinakahuling update ng Kapamilya aktres sa kaniyang Instagram ay noon pang Agosto kung saan ibinahagi nito ang ilang lugar na kanilang pinasyalan sa Espanya at hindi na ito nasundan pa.

Sa Instagram naman ni Neil, nitong Oktubre 21 pa ang kaniyang huling post subalit para mag-promote lamang ng isang concert. Wala naman itong nabanggit tungkol sa kaniyang asawa.

Dahil dito, karamihan ng mga komento sa post ni Neil ay naghahanap kay Angel at nagtatanong kung bakit hindi nagpaparamdam ang kaniyang misis sa social media.

Screesnhot mula sa Instagram

"#FindingAngel is the official hashtag for November. I hope ur okay and safe ate," ayon sa isang follower.

Mayroon namang naghihinalang baka hiwalay na ang mag-asawa o kaya ay maaaring buntis si Angel at nais munang lumayo sa toxic na social media.

Subalit dahil nga katatapos lang ng Bagyong Paeng na nanalasa sa bansa noong isang linggo, hindi maiwasan ng iba na hanapin ang aktres na isa sa gumanap sa papel na 'Darna' noon at tumatak sa mga manonood.

Screesnhot mula sa Instagram

Isa kasi si Angel sa mga celebrities na mabilis magpadala ng tulong sa mga kababayan natin sa oras ng kalamidad o sakuna.

"Pag ganitong sakuna alam ko po nangunguna po kau sa pagtulong sana wag Po kau mpagod sa pag tulong salamat po," komento ng isang netizen.

Screesnhot mula sa Instagram

"Ms ANGEL, PLS HELP US HERE IN ZAMBOANGA CITY. BINABAHA NAPO LAHAT NG AREAS DAHIL SA BAGYONG PAENG. PLEASE HELP US PO USING YOUR PLARFORMS. WE NEED RESCUE TEAMS AND GOODS LIKE CLOTHES AND FOOD. THANK YOU PO!!!" saad naman ng isang naghahanap kay 'Darna'.

Marami naman ang umaasang sana ay maayos ang kalagayan ng kanilang idolo at wala itong anumang pinagdadaanang problema sa pagitan nila ni Neil. Sana nga raw ay nagpapahinga lang talaga ito at magpaparamdam na sa mga darating na araw.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/11/angel-hinahanap-walang-update-socmed/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at November 04, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (23)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.