Dahil sa viral na post ni Sarah Geronimo noong isang araw, muling naungkat ngayon ang hindi pagkakaunawaan nila ng kaniyang magulang bunsod na rin ng kaniyang biglaang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli.
Isa rin ito sa naging topic nina Ogie Diaz at kasamahang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang pinakahuling vlog sa 'Ogie Diaz Showbiz Update'.
Screenshot mula sa You Tube
Ayon kasi kay Mama Loi, sana raw ay mapatawad na ni Mommy Divine kahit man lang si Sarah kung hindi pa niya kayang tanggapin si Matteo bilang manugang.
Pero para kay Ogie, madaling sabihin ng karamihan na wala namang dahilan si Mommy Divine upang hindi tanggapin sina Sarah at Matteo lalo pa't nasa hustong gulang na ang Popstar Princess para mag-asawa at magdesisyon para sa kaniyang sarili.
Subalit hindi raw natin alam ang tunay na pinanggalingan ni Mommy Divine sa kaniyang nararamdaman ngayon. Bilang isang ina umano, si Mommy Divine lang ang nakaaalam kung bakit ganun na lang ang kaniyang pagtutol sa pag-aasawa ng kaniyang anak.
Gayunpaman, may payo rin si Ogie sa mommy ni Sarah para kahit paano ay maibsan ang kaniyang tampo sa anak.
"Siguro, ang maisu-suggest ko, para medyo kumalma, para maano 'yung damdamin ni Mommy Divine.. medyo lumambot. Mommy Divine, bigyan mo ng chance si Matteo, mukha namang si Matteo wala naman kaming nababalitaan na nambababae si Matteo," ani Mama Ogie.
Kitang-kita naman umano kung gaano kamahal ni Sarah ang kaniyang mister at halata ring masaya ito sa kaniyang estado ngayon sa buhay.
Imahe mula sa Facebook| Matteo Guidicelli
Bukod dito, hindi na rin teenager si Sarah at hindi rin siya pinababayaan ng kaniyang asawa.
"Siguro naman hindi na naging masamang anak si Sarah kay Mommy Divine, 'di ba naibigay naman ang lahat? Napag-aral pa 'yung mga kapatid, 'di ba?" dugtong pa ni Ogie.
Napabalita pa nga raw noon na kung anuman ang kinikita ni Sarah ay hinahati-hati ito ni Mommy Divine sa magkakapatid.
Sa bali-balita naman daw na buntis na si Sarah, baka ito na raw ang maging daan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine dahil sa kaniyang magiging apo.
"Kung totoo man ito, aba, I'm sure ito na 'yung sinasabi ng matatanda na mas mahal ang tubo kesa sa puhunan," ayon pa kay Ogie.
BASAHIN: Viral post ni Sarah G. na nagso-sorry sa kaniyang mga magulang deleted na?
Panoorin ang kanilang vlog:
No comments:
Post a Comment