DavaoPlus

Tuesday, 1 November 2022

[New post] Viral post ni Sarah G. na nagso-sorry sa kaniyang mga magulang deleted na?

Site logo image Ronaldo Estur posted: "Tila tinanggal na ni Sarah Geronimo ang kaniyang viral post sa Instagram kung saan humihingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga magulang. Sa hindi pa malamang dahilan, hindi na ito makikita pa sa Instagram page ng Popstar Princess ilang araw lang mata" Definitely Filipino News

Viral post ni Sarah G. na nagso-sorry sa kaniyang mga magulang deleted na?

Ronaldo Estur

Nov 2

Tila tinanggal na ni Sarah Geronimo ang kaniyang viral post sa Instagram kung saan humihingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga magulang.

Sa hindi pa malamang dahilan, hindi na ito makikita pa sa Instagram page ng Popstar Princess ilang araw lang matapos itong mag-viral sa social media.

Screenshot mula sa Instagram

Sa nasabing post, nagpasalamat at humingi ng tawad ang singer-actress sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.

BASAHIN: Sarah Geronimo nag-sorry sa mga magulang: 'Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip'

"Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito para pasalamatan ang Diyos, ang aking pamilya, at ang aming mga furbabies para sa inspirasyon na patuloy na maging malakas, masaya, at mapagmahal sa buhay ano mang hirap o pagsubok ang aking harapin," saad ni Sarah.

"Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po," dagdag pa nito.

Mahal na mahal niya umano ang kaniyang daddy at mama at araw-araw niya silang nami-miss at naiisip.

"Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag-aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito," wika pa ni Sarah.

Imahe mula sa Facebook

Hindi naman malinaw kung bakit biglang nawala sa Instagram ni Sarah ang kaniyang viral na post para sa kaniyang Mommy Divine at Daddy Delfin.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang pagpapakasal ng Popstar sa kaniyang mister na si Matteo Guidicelli noong February 2020 dahil bukod sa biglaan ito ay mukhang inilihim pa ng magkasintahan sa magulang ni Sarah.

Dahil dito, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng singer-actress sa kaniyang mga magulang bagama't sinusubukan umano ni Sarah na matanggap na ng kaniyang pamilya si Matteo bilang kaniyang asawa.

Samantala, bagama't wala na ang nasabing post sa Instagram ng Popstar royalty, mababasa pa naman ito sa kaniyang fan page sa Twitter.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/11/viral-post-sarah-sorry-magulang-deleted/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at November 01, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • June 2025 (2)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.